December 13, 2025

Home BALITA National

Higit 100 Universal Healthcare Integration Sites sa bansa, aktibo na

Higit 100 Universal Healthcare Integration Sites sa bansa, aktibo na
Photo courtesy: Department of Health - Philippines (FB)

Higit 100 Universal Health Care - Integration Sites (UHC - IS) na ang aktibo sa buong bansa alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“From 58 UHC-IS in 2020, we now count 104 provinces, highly urbanized cities, and independent component cities committed to integration,” saad in Department of Health (DOH) Ted Herbosa sa National UHC Summit sa Mandaluyong nitong Huwebes, Agosto 28.

Sa dagdag na impormasyon sa Facebook page ng DOH, umabot na sa 104 ang bilang ng UHC-IS sa taong 2025, katumbas nito ang 87 porsyentong target LGU sa bansa

Layon ng UHC-IS na pagbuklurin ang iba’t ibang health facilities mula health centers hanggang ospital para sa pantay na dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa lahat ng Pilipino. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ang nasabing National UHC Summit ay inilunsad sa pakikipagtulungan sa Asian Development Bank (ADB), Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), at Philippine Business for Social Progress (PBSP), na dinaluhan din ng mga LGU, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, health professionals, development partners, at civil society organizations. 

Sa kaugnay na balita, inilahad ni PBBM sa kaniyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 28 ang layuning palakasin ang UHC sa pamamagitan ng ilang initiatibo tulad ng one doctor per LGU, pagpapalawak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) coverage, at pagpapatupad ng Zero Balance Billing policy sa mga pampublikong ospital. 

KAUGNAY NA BALITA: Bayad na bill ninyo? Mga dapat malaman tungkol sa ‘Zero-Balance Billing Policy’

Sean Antonio/BALITA