January 06, 2026

Home BALITA National

Luxury watch na may pirma ni Marcos Sr., nakalinya para sa isang auction

Luxury watch na may pirma ni Marcos Sr., nakalinya para sa isang auction
Photo courtesy: Leon Gallery (Website), Senate of the Philippines (Website)

Isang luxury watch na may pirma umano ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ay kabilang sa mga gamit na ia-auction sa isang gallery sa lungsod ng Makati.

Ang relo na Rolex ni Marcos Sr. ay isa sa mga inaasahang bibilhin ng mga bidders sa Magnificent September Auction 2025, na gaganapin sa Leon Gallery, sa Setyembre 13.

Ibinahagi ng Leon Gallery na ang prestihiyosong relo ay galing umano sa koleksyon ng isang mapagkakatiwalaang tauhan ng dating presidente, na umano’y may kinalaman sa pagpaplano ng Batas Militar noong 1972 hanggang 1981.

"The watch features the engraved signature of former President Ferdinand E. Marcos, given to a trusted and loyal confidant during the time when the 'Rolex 12' became a symbol of power and inner-circle membership within the Marcos administration as the authors of Martial Law," ani Leon Gallery sa isang write-up.

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

Ang relong may pirma ni FEM ay gawa sa 18k yellow gold, na may paunang presyo na aabot sa P900,000.

Ayon sa nasabing gallery, ito umano ay hindi lamang mamahaling gamit, kung hindi isang paalala ng makapangyarihan at komplikadong panahon na pinagdaanan ng Pilipinas sa kasaysayan nito.

Bukod sa relong ito, kaabang-abang din ang ilan sa mga “vintage” at “antique” na gamit o bagay tulad ng pirmadong unang edisyon ng Noli Me Tangere ng bayaning si Jose Rizal, na may paunang presyo na apat na milyong piso; at ang isang gold-hilted dagger na mula pa sa Butuan, na may paunang presyong 1.2 milyong piso. Ito ay tinatayang may gulang na halos pito hanggang sampung siglo.

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita