December 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Richard Gutierrez at Barbie Imperial, nag-unfollowan na sa IG pero nag-follow ulit?

Richard Gutierrez at Barbie Imperial, nag-unfollowan na sa IG pero nag-follow ulit?
Photo courtesy: Richard Gutierrez, Barbie Imperial (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang tila urong-sulong na pag-unfollow at pag-follow back ulit sa Instagram ng isa't isa nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, sa hindi pa malamang dahilan.

Sa ulat ng Fashion Pulis, makikita ang screenshot ng patunay na nag-unfollow sa isa't isa ang couple subalit kalaunan, ay tila nag-followan ulit.

Kung pagbabatayan ang unang set ng screenshots, makikitang may fina-follow na lamang na 636 si Barbie, at wala rito ang IG account ni Richard.

Habang si Richard naman ay may 2,740 na fina-follow subalit wala rito ang IG account ni Barbie.

Tsika at Intriga

'Hallu, Hallu sa kulungan!' Anne Jakrajutatip himas-rehas nang 2 taon, anyare?

Sa pangalawang set naman ng screenshots, makikitang pareho nang may nadagdag na isa sa fina-follow ng dalawa sa kani-kanilang accounts.

At kapag sinearch naman, makikitang naka-follow na ulit sila sa isa't isa.

Kaniya-kaniya namang bigay ng espekulasyon ang mga netizen patungkol sa isyung ito.

"Like was there really an expectation that they will last?"

"Sa IG talaga ang tagaconfirm eh."

"Ano kayang nangyari haha."

"Hindi naman talaga magtatagal I guess. Importante naging masaya [kaysa] dati."

"Parang nothing shocking. Kasama ni Richard ngayon si Ivana sa movie for Regal."

"Hahahaha buking nag unfollowan kaya nag follow ulit. Kitang kita sa numbers of following."

Matatandaang noong 2024 umusbong ang tsika patungkol sa kanilang dalawa matapos mamataang magkasama sa isang bar, at sa ilang mga lugar.

MAKI-BALITA: Anong meron? Richard at Barbie, naispatang magkasama sa Alabang

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?

Enero 2025 nang kumpirmahin ni Richard ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Barbie.

"Do’n namin nakilala ang isa’t isa. Masaya siyang kasama. Enjoy kaming dalawa. Doon na nagsimula,” aniya, na ang tinutukoy ay ang bar kung saan sila nagkita.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, na-attract kay Barbie Imperial dahil totoong tao

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Richard at Barbie tungkol sa isyung ito.