December 13, 2025

Home BALITA National

May paregalong gloves: Manny Pacquiao nag-courtesy call kay PBBM

May paregalong gloves: Manny Pacquiao nag-courtesy call kay PBBM
Photo courtesy: PPA Pool via Mark Balmores/MB

Usap-usapan ang pagbisita ng dating senador at tinaguriang "Pambansang Kamao" na si Manny Pacquiao kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., araw ng Huwebes, Agosto 28, sa Malacañang Palace.

Ang nabanggit na pagbisita ay courtesy call ng Pambansang Kamao sa Pangulo, upang ipakita sa kaniya ang World Boxing Council (WBC) belt, at upang hilingin ang kaniyang suporta sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng "Thrilla in Manila."

Magaganap ang event sa Oktubre 29 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. 

Saad ni PacMan, todo naman ang suporta ni PBBM sa nabanggit na pagdiriwang at natuwa rin siya. Sa katunayan, nasasabik na raw ang Pangulo para sa nabanggit na event, lalo't may personal siyang engkuwentro noon sa boxing legend na si Muhammad Ali.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Hindi raw makalilimutan ng Pangulo nang paakyatin siya noon sa boxing ring at ipamalas sa kaniya ni Ali ang kaniyang punches.

Bukod sa sa kaniyang WBC belt, binigyan din ni Pacquiao si PBBM ng remembrance na gloves.

Si Pacquiao ay kasali sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas na ticket ng administrasyon sa nagdaang National and Local Elections (NLE) subalit hindi pinalad na makabalik sa pagkasenador.

Bigo naman si PacMan na masilat ang WBC welterweight title mula kay Mario Barrios sa kanilang laban noong Hulyo, matapos itong magresulta sa draw.

KAUGNAY NA BALITA: Pacman, dismayado sa resulta ng laban kontra Barrios: 'I did my best in the ring!'