December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karylle, biglang napaupo habang sumasayaw sa It's Showtime

Karylle, biglang napaupo habang sumasayaw sa It's Showtime
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YT)

Tila nauwi sa pagka-sprain ang paa ni "It's Showtime" host Karylle habang humahataw ng sayaw sa Thursday episode, Agosto 28.

Sa segment na "Laro Laro Pick" kung saan hosts sila nina Jhong Hilario at Vhong Navarro, nagpasiklab sa sayawan ang tatlo pero humirit si Vhong na baka puwedeng solo lang si Karylle.

G na G namang humataw nang mag-isa si Karylle subalit hindi na niya natapos ang pagsayaw matapos mapaupo sa entablado.

Dito ay sinabi ng actress-singer na tila napasobra yata ang kaniyang pagsayaw, sabay hawak sa kaniyang kaliwang binti.

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

"Sumobra, madlang people. Gumanon ‘yong buto ko. Ang hirap pala humataw!” nakangiti pa ring sabi ni Karylle, sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman.

Agad naman siyang dinamayan nina Jhong at Vhong at to the rescue na rin sina Dumbo at Ryan Bang, habang hinihintay ang medic.

Maya-maya ay inalalayan na si Karylle paalis ng studio at pinalitan naman siya ni Jackie Gonzaga.

Bumaha naman ng pag-aalala para sa kalagayan ni Karylle. Hangad nila na sana'y walang masamang nangyari sa buto sa binti ni Karylle para makabalik agad siya sa hosting.