December 13, 2025

Home BALITA National

Joseph Sy, nag-voluntary LOA kasabay ng isyu sa kaniyang nasyonalidad

Joseph Sy, nag-voluntary LOA kasabay ng isyu sa kaniyang nasyonalidad
Photo courtesy: Global Ferronickel Holdings, Inc.

Agarang nagsumite ng voluntary leave of absence ang Global Ferronickel Holdings, Inc. chairperson na si Joseph Sy matapos ang kontrobersiya sa kaniyang tunay na nasyonalidad.

Inihayag ng kompanya sa isang disclosure nitong Huwebes, Agosto 28, ang desisyon ni Sy na mag-LOA upang makapagpokus sa personal at legal na isyu ng kaniyang nasyonalidad.

“This decision reflects the Board’s commitment to allowing Mr. Sy to focus on resolving his personal legal matters while safeguarding the best interests of the Company and its stakeholders,” anang kompanya.

Inanunsyo naman nila ang pagkakaluklok ng kanilang presidente na si Dante R. Bravo bilang bagong chairperson ng kompanya, kasabay ng voluntary LOA ni Sy.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“To ensure seamless leadership and operational continuity, the Board elected Mr. Dante R. Bravo, the Company’s President, as Chairman of the Board. Mr. Bravo will serve in both roles, with his performance and dual capacity to be reviewed annually by the Board and the Corporate Governance Committee,” anila.

Upang pagtibayin umano ang “independent oversight,” nagdesisyon ang Board na buuin ang role ng Vice Chairman, na magbibigay ng karagdagang governance checks, hahalili at magiging representante ng presidente kung ito ay liliban, at ang magiging koneksyon ng presidente sa iba pang direktor ng institusyon. Sa posisyong ito, itinalaga si Jaime F. Del Rosario upang punan ang Vice Presidency ng kompanya.

“These measures underscore FNI’s commitment to stability, transparency, and strong corporate governance, providing clear leadership structure and reinforcing independent oversight while the Company continues to execute its business strategy,” ani Global Ferronickel Holdings, Inc.

Matatandaang kamakailan ay inaresto si Joseph Sy dahil umano sa kataka-taka nitong nasyonalidad, at agarang pinatalsik ng Philippine Coast Guard Axiliary (PCGA) matapos mapag-alaman ang insidente.

KAUGNAY NA BALITA: 'Parang si Alice Guo Part 2?' Sen. Risa, naalarma sa isang PCGA member-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA