December 14, 2025

Home BALITA National

#JacintoPH, lalabas na ng PAR ngayong gabi

#JacintoPH, lalabas na ng PAR ngayong gabi
PAGASA

Ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa may West Philippine Sea at pinangalanan itong #JacintoPH, ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Agosto 28. 

Ayon sa weather bureau, as of 8:00 AM nang maging tropical depression o mahinang bagyo ang LPA. 

 As of 11:00 AM, namataan ang bagyo sa layong 480 km West of Cubi Pt., Subic Bay, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at pagbugsong 55kph.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Dagdag pa ng PAGASA, malayo sa kalupaan ang bagyo ngunit pinapalakas nito ang southwest monsoon na nakakaapekto sa kanlurang bahagi southern Luzon, kabuuan ng Visayas, at kanlurang bahagi ng Mindanao, kaya inaasahan ang pag-ulan sa mga lugar na ito. 

Samantala, palabas na rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Jacinto mamayang gabi. 

Si Jacinto ang ikalimang bagyo ngayong Agosto at ikasampung bagyo ngayong taon.