Nangungunang tinatangkilik ngayon sa Netflix ang animated musical film na KPOP Demon Hunters ng Sony Pictures Animation.
Ayon sa ulat ng nasabing streaming service, tinatayang umabot na sa mahigit 263 milyon ang bilang ng mga nakapanood ng KPOP Demon Hunters.
Literal na “we're goin' up, up, up, it's our moment” at “gonna be, gonna be golden” ang nakamit ngayon ng pelikula matapos itong maging Most Popular Film of All Time’ at number one sa listahan ng Most Popular English Films list.
Bukod dito, nasarado rin ng nasabing pelikula ang number one spot sa English Film List sa dami ng mga nakapanood mula noong Agosto 18 hanggang Agosto 27, 2025 na nagtala ng mahigit 25 million views.
Tungkol ang KPOP Demon Hunters sa tatlong mga karakter na sina Rumi, Zoey, at Mira.
Mga Korean Pop idols na tinatangkilik ng kanilang maraming tagasuporta dahil sa husay nilang kumanta at sumayaw.
Pero sa likod nito, isa sa mga pangunahing misyon ng mga Huntrix na sina Rumi, Zoey, at Mira ay labanan ang mga demonyo na nagtatangkang kumuha ng mga kaluluwa sa mga tao at ialay ito sa kanilang hari na si Gwi-Ma.
Sa pamamagitan ng pagkanta at espirituwal na kapangyarihan ng mga Huntrix, napapalakas nila ang barikada na tinatawag nilang Honmoon na siyang pumoprotekta sa mga tao laban sa mga demonyo.
Ngunit bumuo ang mga demonyo ng isang boy band group na Saja Boys sa pangunguna ni Jinu na lalaban at tatapat sa mga Huntrix upang mapahina ang seguridad ng Honmoon na pumoprotekta sa mga tao.
Makikinig sa pelikula ang mga kantang How It’s Done, Soda Pop, Golden, Takedown, Strategy, Your Idol, Free, at What It Sounds Like.
Maaari pa ring mapanood ang nasabing pelikula sa online sa pamamagitan ng streaming service app na Netflix.
Mc Vincent Mirabuna/Balita