January 25, 2026

Home BALITA National

CHR at PTFoMs, sanib-puwersa para mabigyang protection media workers sa bansa

CHR at PTFoMs, sanib-puwersa para mabigyang protection media workers sa bansa
Photo courtesy: PIA Metro Manila (FB)

Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at Commission on Human Rights of the Philippines (CHR) noong Miyerkules, Agosto 27 bilang kasunduan sa pagbibigay-proteksyon sa mga mamamahayag sa bansa.

Ang nasabing MOA ay pinangunahan nina CHR Chairperson Richard P. Palpal-latoc, na nakaupo rin bilang Chair ng CHR Expanded Task Force on Media-Related Killings, at PTFoMS Executive Director Undersecretary Jose A. Torres Jr.

Nasa kaganapan din si CHR Commissioner Beda A. Epres, at si Ann Lourdes Lopez ng Asian Institute of Journalism and Communication bilang witness at representante at sektor ng media.

Layon ng PTFoMS at CHR na maprotektahan ang karapatan ng mga mamamahayag laban sa karahasan, pagbabanta, at harassment sa pamamagitan ng paglalathala ng mga konkretong aksyon para sa mas maagap na mga imbestigasyon sa mga kaso tulad ng Rapid Response Mechanism at Victim Support System.

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Sa kaugnay na ulat, sa kamakailang pag-aaral ng World Press Freedom Index by Reporters Without Borders, habang nagkaroon ng improvement ang estado ng mga mamamahayag sa bansa, nananatiling humaharap ang ilan dito sa harassment, pananakot, red-tagging, online abuse, at pagbabanta sa buhay.

Kung kaya’t pinaglalawig din ng nasabing kasunduan na pangalagaan ang press freedom sa bansa, alinsunod sa Artikulo III, section 4, ng Saligang Batas, na nagpoprotekta sa mahalagang parte ng media sa demokrasya ng bansa, at ang karapatan ng publikong maging maalam sa mga pangyayari sa gobyerno.

Sean Antonio/BALITA