Sumalang sa vlog ng aktres na si Yen Santos ang politician na si Luis "Chavit" Singson para sagutin ang mga isyung matagal nang bulung-bulungan tungkol sa kanilang dalawa.
Unang tanong ni Yen ay kung may nakarelasyon na raw bang celebrity si Chavit.
Sagot ng politiko, "Wala pa!"
"Mahirap" naman ang naging sagot ni Chavit sa mga tanong patungkol sa kaniyang yaman, gaya na lamang ng lamang pera ng kaniyang bank account, at mga bahay sa buong mundo.
Nang matanong naman siya ni Yen kung sino ang celebrity crush niya, tumingin si Chavit sa kaniya at nagsabi ng "Hi!"
Tumingin lang din si Chavit nang matanong siya ni Yen kung ano ang kaniyang ideal girl.
"'Yong simpleng tao lang," sagot ni Chavit.
Nagbigay rin siya ng payo sa mga tao para maging kagaya niya, maging matagumpay rin sa pagnenegosyo at buhay. Aniya, maging totoo lamang daw sa sarili at matutong magbigay at tumulong. Maging consistent lang din sa mga ginagawa at huwag maging "one time big time."
Pero ang pinakapinag-usapan sa nabanggit na vlog ay kung totoo bang may anak silang dalawa.
Ikinuwento rin ni Yen kung paano sila nagkakilala. Aniya, nasa dekada na sila magkakilala ni Chavit, dahil siya isang family friend. Kaibigan daw si Chavit ng kaniyang parents. Kaya raw lagi silang naiisyung dalawa.
"Meron pa nga raw tayong anak 'di ba?" sundot ni Yen.
"Malaki na raw 'yong anak natin, si Yan-yan," sey pa ni Yen.
"Anak ba natin si 'yon?" untag ni Yen kay Chavit.
Sagot ni Chavit, "Ewan ko sa'yo."
"Guys, hindi po namin 'yon anak. Kapatid ko 'yon and ninong siya no'n," sagot ni Yen.
Matatandaang kamakailan lamang ay nag-launch na si Yen ng kaniyang sariling YouTube channel. Dito nga ay naging bukas na siya sa publiko at sinagot ang mga karaniwang tanong sa kaniya ng mga netizen, lalo na sa kaniyang naging relasyon.
Dito ay tahasang sinabi ni Yen, na bagama't walang pinangalanan, ay naging bangungot daw para sa kaniya ang huling relasyon at masaya siyang nagtapos na ito.
"Napakalaking blessing na natapos na 'yon," saad ni Yen.
"Malaking blessing na nagising na ako sa nightmare na 'yon and I walked away kasi hindi talaga worth it."
"That kind of life drains you and you lose yourself in the process. Hindi mo gugustuhin talaga 'yong gano'ng klaseng buhay,” aniya pa.
Saad pa ni Yen, isa sa mga best decision na nagawa niya ay tuluyang umalis sa nabanggit na relasyon. Tila lumabas daw ang tunay na pagkatao ng nabanggit na karelasyon, na hindi niya nakita noong nag-meet sila.
“The person I met at the beginning, that wasn’t really him. The one I saw at the end, 'yon talaga siya. Siyempre sa una, hindi naman 'yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh. Gagawin nila lahat para makuha 'yong loob mo tapos kapag nakuha na yng loob mo, unti-unti na 'yan. Doon na lalabas 'yong totoong pagkatao nila,” aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Yen Santos, nagising sa bangungot ng nakalipas na relasyon
KAUGNAY NA BALITA: Nauntog na? Yen Santos ayaw na may ka-'Baguio trip as a friend'