December 13, 2025

Home BALITA National

Torre matapos masibak sa puwesto: 'I took a leave'

Torre matapos masibak sa puwesto: 'I took a leave'
Photo Courtesy: via MB

Humarap na sa wakas sa publiko si Police Major General Nicolas Torre III matapos maiulat ang tungkol sa pagkasibak niya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng media nitong Miyerkules, Agosto 27, sinabi ni Torre na magpapahinga raw muna siya.

"I took a leave, which I will do. I think it's the second time in my career," saad ni Torre.

Sa ngayon, hindi pa raw niya masabi kung gaano siya katagal mawawala dahil aaprubahan pa umano ng PNP chief ang kaniyang leave application.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"I'm planning to use the maximum leave. My medication leave, my service leave," dugtong pa niya.

Tumanggi namang magbigay pa ng iba pang detalye ang dating hepe ng PNP ngunit tiniyak naman niyang maglalabas siya ng opisyal na pahayag sa mga susunod na araw.

Matatandaang kinumpirma na ng Palasyo na inaalok nila si Torre ng bagong posisyon ngunit hindi pa malinaw kung ano. Isaayos daw muna nila ang lahat at hihintayin ang pagsang-ayon nito.

Maki-Balita: Palasyo, kinumpirma bagong posisyon ni Torre

Pinalitan si Torre ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. bilang bagong pinuno ng sangkapulisan.

Maki-Balita: KILALANIN: Si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagong PNP Chief