December 13, 2025

Home BALITA

Sey ni Baste: 'Di pwede maging PNP Chief 'pag walang k*tar*nt*duh*n sa mga Duterte'

Sey ni Baste: 'Di pwede maging PNP Chief 'pag walang k*tar*nt*duh*n sa mga Duterte'
Photo courtesy: via MB, screengrab from Alvin and Tourism/FB

May pahayag si Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa pagiging hepe umano ng pulisya.

Sa panayam kay Baste ng kanilang mga tagasuporta sa The Hague na ibinahagi ng Facebook page na Alvin and Tourism nitong Miyerkules nang madaling araw, Agosto 27, 2025 (araw sa Pilipinas), iginiit niya ang isa umanong paraan para maging hepe ng pulisya.

“Kung may papalit man na chief PNP diyan, may ano talaga ‘yan, may order talaga ‘yan na puntiryahin tayo,” ani Baste. 

Saad pa niya, “Ganiyan naman lagi eh, ‘di ka naman maging Chief PNP ‘pag wala kang gagawing katarantaduhan against sa aming mga Duterte o sa mga supporters namin.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang noong Marso 2025 nang pangunahan ni dating PNP Chief Nicolas Torre III ang operasyon sa pag-aresto sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos magbaba ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC).

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Si Torre din ang nakahuli sa nagtatago noong si Pastor Apollo Quiboloy na kilalang kaalyado sa mga Duterte sa Davao City.

Habang noong Hunyo naman nang maitalaga si Torre bilang PNP Chief.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, 'umusok' phone dahil sa mga natanggap na suporta bilang PNP Chief

Samantala, inaasahang nakatakdang pailitan ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang binakanteng posisyon ni Torre bilang PNP Chief matapos kumpirmahin ng Palasyo ang opisyal na pagkakasibak ni Torre mula sa kaniyang posisyon.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagong PNP Chief