December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Raffy Tulfo, tinukoy mga dahilan kung bakit hindi makakuha ng trabaho newly graduates

Sen. Raffy Tulfo, tinukoy mga dahilan kung bakit hindi makakuha ng trabaho newly graduates
Photo courtesy: Senate of the Philippines, Unsplash

Inilatag ni Sen. Raffy Tulfo ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi nakakakuha ng trabaho ang maraming bagong graduates sa panahon ngayon. 

Sa naging pagdinig ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education sa Senado ngayong Miyerkules, Agosto 27 naibahagi ni Sen. Tulfo sa kaniyang privilege speech ang mga natuklasan niya kaugnay sa usapin ng kalagayan ng mga bagong nakapagtapos sa kolehiyo. 

“A few days ago, nag-post po ako sa Facebook account ko. Nanawagan [ako] sa mga newly graduates kung ano ‘yong mga struggles nila na nai-encounter. And four (4) stood out,” panimula ni Sen. Tulfo. 

Ayon sa senador, una niyang binanggit na paghahanap ng karanasan sa trabaho ng mga aplikante ang isa sa mga pangunahing balakid kung bakit hirap makahanap ng trabaho ang marami. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“[K]aramihan, sinasabi nila ang problema ay ‘yong hinahanapan sila palagi ng experience. Kapag walang experience ay hindi sila nakukuha sa trabaho,” sambit ni Tulfo. 

Ayon pa sa senador, ang pagkakaroon din ng mga “age requirement” o “age limit” ang isa sa mga hinaing mula sa nalikom niyang sitwasyon ng mga newly graduates. 

“Pangalawa, ‘yong tinatanawag na ‘age requirement’ o ‘age limit.’ So nagse-set agad ng age doon sa requirement para sa job na gusto nilang applyan,” anang Tulfo. 

Dagdag pa ng senador, ang pangatlo sa pangunahing balakid na kinakaharap ng mga newly graduates ay ang job mismatch o pagkuha ng trabaho na hindi naman talaga sakop ng kanilang kasanayan noong nag-aaral pa lamang. 

“Pangatlo, job mismatch. Ibig sabihin, gusto nilang mag-apply para sa isang trabaho, lets say [na] gusto nilang mag-apply for clerk pero wala namang available na job para sa clerk for them. So they becoming a security guard. Something like that,” pagkukuwento ni Tulfo. 

Sa huli, nilinaw ni Tulfo na gusto niyang malaman sa pagdinig ng komite sa Senado ang magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) na tulungan ang mga estudyanteng tukuyin ang mga kursong gusto talaga nila bago tumuntong sa kolehiyo. 

“Ang gusto ko sanang mangyari dito, the reason why I said this, is sana mayroong coordination sa DOLE at saka ‘yong CHED. Para ‘yong mga estudyante bago man lang sila pumasok sa kolehiyo, kumbaga sini-seminar sila [o] ino-orient sila kung ano ba talaga ‘yong bagay na kurso para sa kanila na dapat pag-isipan nila nang mabuti,” paliwanag ng senador. 

“Para pag-graduate nila, iyong kurso na para talaga sa kanila ay makukuha nila because nandoon ‘yong drive nila,” paglilinaw ni Tulfo. 

Sa pagpapatuloy ng panimulang pananalita ng Senador, binanggit din niya na nais niyang marinig sa pulong nila ang pagtutok ng CHED sa mga sports activities inside campus, tumataas na insidente ng suicide, at hazing. 

“And another thing na gusto ko rin sanang talakayin later ay ‘yong pagtutok sana ng CHED sa mga sports activities inside campus[…]

“Isa pa sa gusto kong matalakay later on ay ‘yong tumataas na insidente ng suicide sa kolehiyo. At bakit? Dahil bagsak. Hindi kaya nilang matanggap ‘yong kanilang grades at sila ay maba-bash ng kanilang mga peers o di kaya sila ay mapapagalitan ng kanilang parents, kaya nag-commiting suicide[...]

“And then last ay ‘yong hazing. Until now, whether you accept it or not, ay tuloy-tuloy pa rin ang hazing sa kolehiyo especially sa fraternity[...]” pag-iisaa-isa ni Tulfo. 


Mc Vincent Mirabuna/Balita