December 13, 2025

Home BALITA National

Palasyo, kinumpirma bagong posisyon ni Torre

Palasyo, kinumpirma bagong posisyon ni Torre
Photo Courtesy: RTVM, via MB

Kinumpirma na ng Palasyo na may bagong posisyong ibibigay kay Police Major General Nicolas Torre III matapos masibak bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa inisyung memorandum ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Lunes, Agosto 25, inatasan si Torre ng proper turnover.

"For the continuous and efficient delivery of public services in the PNP, you are hereby directed to ensure proper turnover of all matters, documents, and information relative to your office," saad sa liham.

Maki-Balita: Torre, sinibak sa puwesto bilang PNP Chief

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Sa isinagawang press briefing nitong Miyerkules, Agosto 27, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na kumpirmado ang bagong katungkulang inaalok kay Torre  bagama't hindi pa raw niya maibibigay ang buong detalye tungkol dito.

"Hindi pa po natin maisisiwalat ang detalye patungkol po dito. Pero confirm po na may inaalok pong posisyon," saad ni Castro.

Matatandaang nauna na ring sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa press conference noong Martes, Agosto 26, ang tungkol sa bagong posisyong ibibigay kay Torre.

Maki-Balita: Torre, walang nilabag na batas—Remulla

Samantala, iginiit naman ni Castro na wala umanong "messy transition" na nangyari sa pagitan ni Torre at ng bagong chief PNP na si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr.

Maki-Balita: KILALANIN: Si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagong PNP Chief

Ayon sa kaniya, "Alam po natin na naiintindihan ni Gen. Torre kung ano ang naganap. At nirerespeto rin po niya kung ano ang naging desisyon ng pangulo."

Tiniyak naman ni Castro na maglalabas sila ng detalye hinggil sa bagong katungkulan ng sinibak na PNP chief kapag naisaayos na ang lahat at nakuha ang pagsang-ayon nito.