December 13, 2025

Home BALITA

Pagbulusok ng presyo ng palay, ikakabagsak ng rice industry—DA

Pagbulusok ng presyo ng palay, ikakabagsak ng rice industry—DA
Photo Courtesy: via MB

Inilahad ni Department of Agriculture (DA) Usec. for Policy, Planning, and Regulations Asis Perez ang peligrong kinalalagyan ng industriya ng bigas sa Pilipinas.

Sa isingawang pagdinig ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform sa Senado nitong Martes, Agosto 27, sinabi ni Perez na posibleng bumagsak ang nasabing industriya kung patuloy na sasadsad ang presyo ng palay. 

Aniya, “Kung ito po ay magpapatuloy, ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng palay, ay hindi lang po ‘yong mga magpapalay ang maapektuhan. It will put into—sabi nga nila—shut down and crash the entire local rice industry.” 

Kaya naglatag ang ahensya ng anila’y policy blueprint na tinaguriang “The Seven Pillars of Reform” upang lutasin ang naturang problema. 

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

“Para po sa Department of Agriculture, iniisip namin na dapat, para ito ay mapigilan, at upang mapalakas natin ang industriya ng bigas at palay, kailangan natin ang pitong bagay,” saad ni Perez.

Kauna-unahan umano sa hakbang na ito ang pag-restore at pag-calibrate sa state capacity upang mapangasiwaan ang bigas at palay. 

Ayon kay Perez, wala pa umanong kakayahan sa ngayon ang gobyerno na pangasiwaan ang bigas at palay dahil ang mga ito ay nasa ilalim ng pwersa ng mga pamilihan.

Inirerekomendang balita