Ibinahagi ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang pagbisita sa kaniya ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III.
Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 27, 2025, ipinaabot ni De Lima ang kaniyang pasasalamat sa pagbisita at pagbigay raw sa kaniya ni Torre ng isang cake.
“Thank you for the visit. Thank you for the greeting. Thank you for the cake, Gen. Torre,” ani De Lima na nagdiriwang ng kaniyang ika-66 taong kaarawan nitong Miyerkules.
Matatandanag isa si De Lima sa mga nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkakatanggal ni Torre bilang hepe ng pulisya noong Martes, Agosto 26.
“What’s happening?! They better have a good reason in doing that to a very popular, much appreciated and high performing PNP Chief,” ani De Lima sa kaniyang X post.
KAUGNAY NA BALITA: De Lima sa pagkasibak kay Torre: 'What's happening?'
Samantala, kaugnay ng pagkakasibak sa kaniyang posisyon, nauna nang nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla na wala umanong nilabag sa batas si Torre na naging mitsa ng pagkakatanggal sa kaniya.
“He did not violate any laws,” sabi ni Remulla. “He has not been charged with any violation. He's not been charged criminally. It is simply a choice of the president to take the redirection for the PNP,” ani Remulla.
KAUGNAY NA BALITA: Torre, walang nilabag na batas—Remulla
Nitong Miyerkules, Agosto 27, nang kumpirmahin ng Palasyo ang bagong posisyong ibibigay kay Torre bagama’t hindi pa nila opisyal na pinapangalanan ang magiging bago niyang posisyon.