Naospital ang mga anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na sina Stella at Mela, sa gitna ng kanilang family vacation matapos sumama ang pakiramdam ng mga ito.
Ibinahagi ni Melai sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Agosto 26, na tila hindi nagpatalo ang magkapatid sa pagkakaroon ng masamang pakiramdam.
‘Vacation turn into hospital Staycation,” ani Melai. “First honor, si Stela ang nilagnat tapos pag-check, [she] is now the UTI girl! Tapos [siyempre] ‘di rin nagpatalo si Ate Mela, kailangan magpamalas din [siya], so [ayon] siya naman si [s]ore[t]hroat [g]irl, so the best silang dalawa sin[o]bra ang pag-enjoy sa vacation nila.”
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon at komento ang post na ito ni Melai.
“Melason dengue version tlga si Stella”
“wat hafen Vela, why are u crying again? pagaling ka stella”
“POV: merun tlga sa barkada na mawacky pag picturan tapos may gandang pose."
"Jusko ang little melai. Kaka aliw ganitong anak eh"
Nagpasalamat naman si Melai sa doktor na tumulong sa kaniyang mga anak at sa hospital na nag-accommodate sa kanila.
“Thank you, Doctora Salvador, our savior for this moment of time! And Mindoro Med [H]ospital, talagang hospital talaga kay[o] kasi napaka-hospitable n’yo!” aniya.
Pinasalamatan din niya ang Panginoon at ligtas ang kaniyang mga anak.
Matatandaang sumikat ang Pamilya Cantiveros sa kanilang mga nakatutuwang videos na nag-viral sa iba’t ibang social media platforms.
KAUGNAY NA BALITA: 'Mama, you know that I love chicken nuggets!' Melai at mga anak, pininta ng isang artist gamit ang ketchup-Balita
Vincent Guiterrez/BALITA