December 13, 2025

Home BALITA

Matapos masibak: Torre, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya

Matapos masibak: Torre, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Nagpasalamat si dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre sa mga suporta raw na kaniya sa pagiging hepe ng pulisya.

Sa isang Facebook post noong Martes, Agosto 26, 2025, ipinaabot ni Torre ang kaniyang pasasalamat.

“Salamat po sa suporta n’yo,” ani Torre sa caption ng isang shared post.

Samantala, laman ng nasabing shared post na ni-reshare ni Torre ang isang dedication message para sa kaniya mula sa FB Page na Chief Torre, The People’s General.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Sa bawat laban-sa ring man o sa serbisyo-ang tagumpay ay laging para sa taumbayan. Ang lakas at tapang ni Chief Torre ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Dahil ang tunay na tagumpay ay ang patuloy na paglilingkod sa bayan,” anang nasabing FB page.

Matatandaang noong Martes, Agosto 26, 2025 nang masibak sa puwesto si Torre bilang PNP Chief. Samantala, paglilinaw naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla, wala umanong nilabag sa batas si Torre sa naging mitsa nang pagkasibak niya sa puwesto.

“He did not violate any laws,” sabi ni Remulla. “He has not been charged with any violation. He's not been charged criminally. It is simply a choice of the president to take the redirection for the PNP,” ani Remulla.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, walang nilabag na batas—Remulla

Nitong Miyerkules, Agosto 27, nang kumpirmahin ng Palasyo ang bagong posisyong ibibigay kay Torre bagama’t hindi pa nila opisyal na pinapangalanan ang magiging bago niyang posisyon.