Usap-usapan ang mga larawan nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Leyte 4th District Rep. Richard Gomez habang magkayakap, matapos nilang magkita sa isang event.
Makikita sa Facebook post ni Magalong ang mga larawan nila ni Goma habang magkayakap.
Ibinahagi ni Magalong ang mga larawan sa kaniyang Facebook page.
"Despite the noise and accusations, true friendships remain," mababasa sa caption.
Umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"This only proves how gentleman these people are. That despite differences, they hold on to the bond. 'Trabaho lang, walang personalan' is more profound and takes a lot of toll than we already know."
"a facade of friendship for the cameras"
"Hmmmmm...not sure! I am remained loyal to someone whose advocacy is for the people."
"Politics is the game! people's lives suffered at the end!! But we still praised them!!!"
Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang mga naging pasaring ni Goma sa isa umanong mayor na nag-iingay patungkol sa umano’y nangyayaring korupsiyon sa bansa.
Sa Facebook post ni Gomez noong Martes, Agosto 19, sinabi niyang hindi na umano siya nagulat na itong “malinis” na mayor ay nagbabato ng kung ano-anong akusasyon sa mga kongresista.
“Corruption has become the easiest issue to ride on nowadays, but let’s be honest, I don’t think this is all about corruption,” saad ni Gomez.
Dagdag pa niya, “If this is about his own congressman, who happens to bring in more projects for his district than he can for his city, don’t include all of us.”
Kaya mungkahi ni Gomez, mas mabuti pa umanong pagtuunan na lang ng alkalde ang lungsod na nasasakupan nito.
Aniya, “Your own city is drowning in problems: the air quality is getting worse, there’s not enough public transport, the waste disposal system is broken, the city is overcrowded, illegal structures are all over and the urban planning is in shambles.”
“Maybe it’s time to fix your own house first before pointing fingers at others. Mahiya ka naman,” dugtong pa ng kongresista.
KAUGNAY NA BALITA: Richard Gomez, pinatutsadahan alkaldeng nagmamalinis: 'Mahiya ka naman!'
Bagama't walang pinangalanan, ipinagpalagay ng mga netizen na ang pinatutungkulan ni Gomez ay si Magalong, matapos ang naging mga pahayag niya patungkol sa mga "anomalya" ng ilang kongresista patungkol sa flood-control projects.