December 13, 2025

Home FEATURES Trending

Kilalanin: Sino nga ba ang pinag-uusapang si Claudine Co?

Kilalanin: Sino nga ba ang pinag-uusapang si Claudine Co?
Photo: Claudine Co/Facebook

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang pangalan ng singer at social media personality na si Claudine Co dahil sa lavish travel at lifestyle niya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control project kung saan 'di umano’y sangkot ang kaniyang pamilya.

Trending sa social media sa Claudine nang malaman ng publiko na anak siya ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Christopher Co at pamangkin ni ngayo’y Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Ayon sa mga ulat, si Christopher ang co-founder umano ng Hi-Tone Construction and Development Corporation, habang si Zaldy naman ay may kaugnayan umano sa Sunwest Group of Companies—na parehong kasama sa listahan ng Top 15 contractors na isiniwalat ni Pangulong Bongbong Marcos na nakatanggap umano ng limpak-limpak na pondo mula sa flood control projects. 

MAKI-BALITA: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

SINO NGA BA SI CLAUDINE BUKOD SA PAGIGING “CO?”

Nakilala ang 25 years old na si Claudine sa social media bilang vlogger. Meron siyang YouTube channel at Instagram na ngayo’y tila deactivated or deleted na dahil hindi na ito ma-search.

Sa pamamagitan ng dalawang platform, malayang naibabahagi ni Claudine ang mga travel at fashion niya. Tampok din sa vlog niya ang pagbiyahe niya kasama ang pamilya niya sakay ng isang private plane.

Nakapagbakasyon na rin sa mahigit 30 bansa ang vlogger. 

Bukod sa pagtatravel, ibinabahagi rin ni Claudine ang pagsusuot niya ng mga designer clothes, shoes, at luxury bags na umaabot umano ng halos milyon ang halaga. 

Hindi lang vlogger si Claudine kundi isa rin siyang singer. Nakapag-release na siya ng ilang kanta gaya ng “I Love You Good bye,” “Patay Sindi,” at “Giliw.” 

Pero, dahil sa maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan 'di umano ng kaniyang kapamilya, naging palaisipan sa mga netizen kung saan nanggagaling ang tila pangluho umano ni Claudine. 

Bukod kay Claudine, marami ring nadawit na mga personalidad. 

LIFESTYLE CHECK SA MGA OPISYAL, UTOS NI PBBM 

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagsusuri sa pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng gumugulong na imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ibinahagi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang anunsyong ito sa kaniyang press briefing nitong Miyerkules, Agosto 27. 

KAUGNAY NA BALITA: Sa gitna ng imbestigasyon sa flood control: PBBM, pinag-utos lifestyle check sa mga opisyal

Matatandaang noong ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni PBBM, tahasan niyang sinita ang mga kontraktor na nasa likod ng naturang proyekto.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad ni PBBM sa SONA.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'

Ang pagpuna ng Pangulo, nasundan ng paglulunsad ng isang website na tinawag na “Sumbong sa Pangulo,” isang flood control tracker na maaaring direktang pagsumbungan ng taumbayan hinggil sa mapapansing mga anomalya sa konstruksyon ng mga flood control project.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sumbong sa Pangulo' flood control tracker, inilunsad ni PBBM: 'Ako mismo ang babasa!'

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga lugar na talamak ang flood control projects