December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Kasalang bayan ang peg!' Engagement ni Taylor Swift, dinumog ng Pinoy swifties!

'Kasalang bayan ang peg!' Engagement ni Taylor Swift, dinumog ng Pinoy swifties!
Photo courtesy: Contributed photo

“Lahat invited!”

Inulan ng samu’t saring reaksiyon at mga komento ang pagbabahagi ni singer-songwriter na si Taylor Swift sa pagtungtong niya sa engagement phase ng kaniyang love life.

Sa post na inilabas ni Taylor ngayong Miyerkules, Agosto 27 sa kaniyang Instagram, ibinahagi niya sa publiko ang mga larawan mula sa engagement proposal sa kaniya ng nobyo niyang si Travis Kelce. 

“Your English teacher and your gym teacher are getting married,” saad ni Taylor sa kaniyang caption. 

'Personal ang pagboto!' Romnick, 'di nag-eendorso sa mga anak ng politikong iboboto

KAUGNAY NA BALITA: ‘It’s a love story, Taylor just said YES!’ Ang “love story” nina Taylor Swift at Travis Kelce.

Bunsod nito, ang malawak na Swiftie fandom ni Taylor sa bansa, ay tila hindi naubusan ng entry sa nakatakdang “endgame” ng kanilang idolo. 

Saad kasi ng Swiftie netizens, marami na raw slang naiiyak sa mga kanta ni Taylor bago siya nakahanap ng “the one,” kaya naman dasuv daw nila na maibitahan sa kasal at reception ng singer.

Isang meme din ang umusbong sa social media tungkol naman sa isang kasalang bayan naubusan na ng slot, kasabay ng pag-aanunsyo umano ni Taylor ng kaniyang enegament moment. Giit tuloy ng ilan, tila sina Taylor at Travis daw ang kumuha ng nag-iisang slot sa kasalang bayan.

“Mareng Taylor sagot ko na ang pansit sa reception!”

“Madami kaming pinaiyak mo! Dasruv naman ng upuan sa kasal mo HAHAHA”

“Sa wakas, magsusulat ka na ba ng kantang kikiligan naman kami?”

“May Romeo na ang Juliet namin!”

“Who are we to fight the Alchemy?”

“Si Back to December in her Lover era!!”

“The mother in her “I do” era!”