December 13, 2025

Home BALITA National

'Friends for Good Governance:' Bam, Leni, Benjie nagkita-kita para mag-lunch

'Friends for Good Governance:' Bam, Leni, Benjie nagkita-kita para mag-lunch
Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

Usap-usapan ang pagkikita nina Sen. Bam Aquino, dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo, at Baguio City Mayor Benjie Magalong sa isang tanghalian. 

Ibinahagi ni Sen. Aquino sa kaniyang Facebook post ang meet-up ng tatlong public servants at kung ano ang kanilang mga napag-usapan.

“I shared my agenda as Chairperson of the Senate Committees on Basic Education and Science and Technology,” aniya.

“We [also] explored possible areas of collaboration, particularly in education and connectivity. I also listened to their good governance and anti-corruption initiatives in their respective cities,” dagdag pa niya.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Inilahad din ng mambabatas na naging produktibo at masaya ang kanilang pagkikita, at siya ay “excited” na makatrabaho sina Mayor Robredo at Mayor Magalong.

Matatandaang nakipagpulong din kamakailan ang Mayor ng Baguio City na si Benjie Magalong kay Mayor Joy Belmonte ng Quezon City at Mayor Vico Sotto ng Pasig City ukol sa “good governance.”

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Joy, Mayor Benjie, at Mayor Vico nagpulong para sa 'Good Governance'-Balita

Samantala, kinampanya rin ni Robredo ang “good governance” noong 2022 Presidential Elections.

KAUGNAY NA BALITA: Mayor Leni sa ‘Pink Movement’: ‘Masaya akong ‘di nawalan ng pag-asa yung mga tao’-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA