December 12, 2025

Home BALITA

Duterte siblings, bitbit pag-asang makakasama muli nila si FPRRD

Duterte siblings, bitbit pag-asang makakasama muli nila si FPRRD
Photo courtesy: Pulong Duterte, BALITA file photo

'WE'LL BE WHOLE AGAIN WITH OUR FATHER'

Bitbit ng magkakapatid na Duterte ang pag-asang makakasama nilang muli ang kanilang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands.

Sa isang Facebook post niotng Miyerkules ng gabi, Agosto 27 (oras sa Pilipinas), nagbahagi ng larawan nilang magkakapatid si Davao City 1st District Congressman Paolo "Pulong" Duterte, kung saan binisita nila ang dating pangulo sa ICC. 

"We carry hope in our hearts that one day, distance will fade and we’ll be whole again with our father. We love you, Pa," ani Pulong.

Bato, masayang nakita ang apo

Sa naturang larawan makikita sina Vice President Sara Duterte, Acting Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte, at Veronica "Kitty" Duterte.

Matatandang naunang ibinahagi ni Kitty na hiling daw ng dating pangulo na dalawin siya ng kaniyang apat na anak.

Maki-Balita: FPRRD, hiling na madalaw ng kaniyang 4 na anak sa The Hague

Samantala, kumpiyansa si Attorney Nicholas Kaufman, legal counsel ni FPRRD, na papayagan ng ICC ang interim release ng dating pangulo.

“Personally speaking, I am always confident. I can only speak for myself. I can’t speak for the judges. We have the judicial process,” saad ni Kaufman.

Dagdag pa niya na ginawa na ng kampo nila ang lahat, “We’ve done the best we can. We argued [about] everything possible. We just hope that the judges will agree.”

Maki-Balita: Atty. Kaufman, buo ang tiwalang papayagan ng ICC interim release ni FPRRD

Nananatili sa kustodiya ng ICC si dating Pangulong Duterte na nahaharap sa reklamong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra ilegal na droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Sa Setyembre 23, inaasahang isagawa ang confirmation charges hearing kay dating Pangulong Duterte kung saan umaasa ang kaniyang kampo na maiaapela nila ang pansamantala niyang paglaya.

KAUGNAY NA BALITA: Oral presentation sa ICC ng kampo ni FPRRD, tatagal ng 4 na oras sa Setyembre 23