Naghayag ng reaksiyon si Palace Press Officer kaugnay sa pagsibak kay Police Major General Nicolas Torre bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Maki-Balita: Torre, sinibak sa puwesto bilang PNP Chief
Sa latest episode ng online show niyang "Batas with Atty. Claire Castro" noong Martes, Agosto 26, pinuri ni Castro ang husay at tapang ni Torre.
"Makikita mo naman at madidinig sa sinabi ni Sec. Jonvic [Remulla] na siya pa ay maaaring bigyan ng ibang trabaho na nararapat sa isang katulad ni Gen. Torre na talaga namang magaling," saad ni Castro.
Dagdag pa niya, "Hindi matatawaran ang galing ni Gen. Torre pati ang tapang ni Gen. Torre."
At nito ngang Miyerkules, Agosto 27, kinumpirma ni Castro sa isinagawang press briefing ang bagong posisyon na iniaalok sa sinibak na PNP chief.
Ayon sa kaniya, "Hindi pa po natin maisisiwalat ang detalye patungkol po dito. Pero confirm po na may inaalok pong posisyon."
Matatandaang nauna na ring sinabi ni Remulla sa press conference noong Martes, Agosto 26, ang tungkol dito lalo pa't wala naman umanong nilabag na batas si Torre noong nanunungkulan.
Maki-Balita: Torre, walang nilabag na batas—Remulla
Pinalitan si Torre ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. bilang bagong pinuno ng pulisya.
Maki-Balita: KILALANIN: Si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagong PNP Chief