Tila malabo umanong si Kapuso actress Kylie Padilla ang "last to know" sa balitang may anak na ang dati niyang asawang si Aljur Abrenica sa kasalukuyan nitong partner na si AJ Raval.
Sa latest episode ng "Cristy Ferminute" nitong Miyerkules, Agosto 27, sinabi ni batikang showbiz columnist Cristy Fermin na posibleng matagal na umanong alam ni Kylie ang tungkol sa dalawang anak ng dating mister.
Ayon sa kaniya, "Sa palagay ko, hindi si Kylie ang last to know. Alam na niya 'yan. Matagal na panahon na. Maaaring may pag-uusap na sila ni Aljur."
"Sila siguro ni AJ maaaring hindi pa. Hindi pa gano'n ka-close para makapag-usap nang malaliman. Pero si Aljur, siyempre pa, isa lang sa palagay ko ang pakiusap ni Kylie, 'Wag mong pababayaan ang dalawang anak natin," dugtong pa ni Cristy.
Matatandaang kinumpirma na kamakailan ng action star na si Jeric Raval na may dalawa na siyang apo kina AJ at Aljur.
Maki-Balita: Jeric, 2 na ang apo kina AJ at Aljur!
Samantala, bago pa man ang naging pasabog ni Jeric, ibinahagi ni Kylie ang mga larawan ng bonding nila ni Aljur kasama ang dalawa nilang anak.
Maki-Balita: Kylie at Aljur namasyal kasama mga anak: 'Bumalik kami sa pagkabata!'
Ikinasal ang dalawa noong 2018, at noong 2021, sumambulat sa publiko ang balita ng hiwalayan nila.