December 12, 2025

Home BALITA Metro

60-anyos na mister, nagselos; tinarakan sa leeg ang misis niya

60-anyos na mister, nagselos; tinarakan sa leeg ang misis niya

Patay ang isang misis matapos na saksakin ng kanIyang sariling asawa sa leeg bunsod ng umano’y matinding pagseselos sa Cainta, Rizal, kamakailan.

Dead on the spot ang biktimang si alyas ‘Naneda,’ 60, habang nakatakas naman at tinutugis na ng mga awtoridad ang kanyang mister na si alyas ‘Pedro,’ 60, kapwa residente ng Barangay San Isidro, sa Cainta.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-6:20 ng gabi nang maganap ang krimen sa ikalawang palapag ng apartment na tinitirahan ng mag-asawa.

Nauna rito, umuwi umano ang suspek na lasing at inaway ang kanyang asawa dahil sa matinding selos.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Nagulat na lang umano ang kanilang anak na si ‘Nikka,’ 26, nang matapos ang ilang sandaling pag-aaway ng mga magulang ay makitang duguan na ang ina at may tama na ng saksak sa leeg.

Kaagad na humandusay sa sahig at binawian ng buhay ang ginang habang mabilis namang tumakas ang suspek na mahaharap sa kasong parricide sa piskalya.