January 26, 2026

Home BALITA

401 bilang ng buto ng tao, nakuha sa Taal Lake; walang nag-match sa kaanak ng mga nawawalang sabungero

401 bilang ng buto ng tao, nakuha sa Taal Lake; walang nag-match sa kaanak ng mga nawawalang sabungero
Photo courtesy: House of Representatives, PCG Files (MB)

Nagbukas muli ang pagdinig tungkol sa kaso ng mga nawawalang sabungero sa pangunguna ng House of Representative ngayong Miyerkules, Agosto 27. 

Naibahagi dito ng namumuno sa forensic group at Police Brigadier General na si Danilo Bacas ang bilang ng mga buto na nakuha nila sa paghahanap sa Taal Lake sa Batangas. 

Ayon kay PBGen Bacas, umabot na sa 401 bilang ng mga buto ng tao ang nakuha nila sa nasabing lugar mula noong Hulyo 11 hanggang Agosto 22 ngayong taon. 

“As of August 22 this year, started July 10, we recovered 401 [human] bones,” saad ni Bacas. 

Probinsya

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!

Dagdag pa niya, nasa 163 na rin ang bilang ng mga buto na kanilang nasuri ngunit hindi na nila nagamit ang iba pa dahil hindi na maganda ang lagay ng mga ito. 

“Out of those items, there are total of 163 samples were subjected to DNA and the rest po ay hindi na po dahil deteriorate na po,” pagbabahagi ni Bacas. 

Nilinaw rin ni Bacas na isinailalim na nila sa DNA matching mula sa kaanak ng missing sabungeros ang 163 na buto pero wala rito ang nagpositibo.  

“As of report po namin, sir, ay wala pa pong nag-matched doon sa mga samples na nakuha namin doon sa mga relatives ng mga missing sabungeros po,” anang Bacas.

Ayon kay PBGen Bacas, hindi pa rin sila natigil na pag-aralan ang mga buto na kanilang natagpuan mula sa Taal Lake. 

“Pero ongoing [pa rin] po ‘yong aming examination,” pagtatapos niya. 

Matatandaang muling naging mainit ang kaso tungkol sa mga nawawalang sabungero matapos lumabas sa midya ang isang whistleblower noong Hunyo 18. 

KAUGNAY NA BALITA: 34 nawawalang sabungero, ilang drug lords, itinumba at inilibing sa Taal Lake

Isiniwalat noon ng nagpakilalang si alyas Totoy na hindii na raw umano makikita ang mga nawawalang sabungero dahil naitapon na ang mga bangkay nito sa Taal Lake. 

Lumabas ang tunay na katauhan ni Totoy bilang si Julie “Dondon” Patidongan na dating naghahawak sa seguridad at mga farm ng mga pansabong na manok. 

Ibinunyag ni Patidongan na hindi lang mahigit 34 ang bilang ng mga nawalang sabungero kundi aabot pa ito sa 100 mahigit. 

Nadawit noon ang malalaking pangalan, halimbawa ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, aktres na si Gretchen Barretto, at iba pang mga pulis at indibidwal. 

KAUGNAY NA BALITA: DOJ kakagat sa umano'y nagsabing inilibing sa Taal Lake mga nawawalang sabungero

Samantala, dalawang buwan ang nakalipas mula noong Hunyo, unti-unti naging tahimik ang kaso sa pagtukoy ng mga sangkot at katotohanan sa likod ng mga nawalang sabungero.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Contaminated na!’ Mga narekober na buto mula Taal, olats sa DNA extraction

Mc Vincent Mirabuna/Balita