Nagbigay ng pahayag si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa ginawa niyang paninita sa mga mamamahayag na tumanggap umano ng kaukulang bayad para kapanayamin sina Sarah at Curlee Discaya.
Bagama’t walang binanggit na pangalan ang alkalde kung sino ang journalists na tinutukoy niya, kalakip naman sa Facebook post ang screengrab mula sa interview nina Julius Babao at Korina Sanchez sa mag-asawa.
MAKI-BALITA: Vico Sotto, sinita mga journalist na umano'y tumatanggap ng bayad sa interview
Sa pilot episode ng "Models of Manila" noong Lunes, Agosto 25, nilinaw ni Sotto na hindi raw siya gumagawa ng isyu para magpasikat.
Aniya, "Sa topic na 'yan, with regard to media, or some media personalities, or shows, sa akin, kung ano ang kailangan kong sabihin sa topic na 'yan, nasabi ko na. Hindi naman ako gumagawa ng isyu para magpasikat, e."
"But," pasubali niya, "I believe there are things that we need to talk about. Not only for media, but same for us in government."
Ayon kay Sotto, kung gusto raw umangat ng Pilipinas bilang isang bayan, kailangang aminin muna ang problema nito.
"Ang point ko lang dito, kung gusto natin umayos ang Pilipinas, kahit hindi siya komportable, kahit minsan parang awkward o nakakahiyang pag-usapan [...] kailangan aminin natin 'yong problema. Pag-usapan natin. At the very least. kailangang magsimula tayo sa gano'n. Ta's next na 'yong accountability," saad ng alakalde.
Samantala, nauna nang pinabulaanan nina Korina at Julius ang akusasyong ikinakabit sa kanila ng publiko na nakatanggap umano sila ng bayad sa mga Discaya para maitampok sa kani-kanilang programa.
Maki-Balita: Programa ni Korina, pinabulaanang tumanggap ng ₱10M sa mga Discaya; Vico, pwedeng ma-cyber libel?
MAKI-BALITA: Julius Babao sa ₱10M na bayad ng mga Discaya: ‘Walang katotohanan!’