Naglabas ng bagong pasabog si Edgar Concha Jr., asawa ng kontrobersyal na social media personality na si Jam Magno, matapos umano siyang ipinta bilang “palamunin” sa kanilang tahanan.
Sa isang mahabang post, diretsahang isinalaysay ni Concha ang kaniyang panig, na bagama't walang pinangalanan, ay pinaniniwalaan ng mga netizen na patungkol sa pagsasama nila ni Magno.
Aniya, matapos silang ikasal, ilang ulit niya umanong tinanong ang asawa kung maaari siyang maghanap ng trabaho sa Maynila, Cebu, o kahit sa Butuan, ngunit pinigilan umano siya ng misis.
Saad ni Cancho, sinabi pa raw niya sa asawa na handa niyang pasukin ang anumang trabaho kagaya ng pagiging isang sales agent o kaya bagger.
Ngunit tumanggi raw ang asawa at sinabing kaya naman daw niyang buhayin ang kanilang pamilya dahil sa umano'y kinikita nito sa eleksyon, at may natatanggap pa umanong "random big bonuses."
"You and I both know the truth but here you are twisting and fabricating stories again to your friends and here on social media," aniya sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Agosto 26.
"Right after our wedding, I asked you if I could go back to Manila or Cebu to look for a job but you told me to stay in Butuan because you want to know me better and so I listened to your plea."
"While we were in Butuan, I asked you again if I could look for a job in Butuan instead, at least I wouldn't be staying far away from you and Tony."
"I told you I am willing to get any job in Butuan for the time being, I suggested I could apply for a sales agent or even a bagger as long as I am working and I could earn my own money for the time-being."
"You replied to me 'what would other people think if you take that job, you are my husband and I am known here in Butuan.' I replied, 'There is nothing to be embarrassed about it and I don't care with what they think. As long as I am earning clean money, I am not selling my body or selling illegal drugs in here.'"
"You insisted that I should listen to you and that I should be a team-player and you kept telling me kaya mo buhayin ang family natin because you were earning 6**,*** a month during the election with random big bonuses on the side from your principals. (I wouldn't expose your principals because I respect them as a person)"
Sa kabila nito, iginiit ni Concha na buong suporta pa rin umano ang ibinigay sa asawa sa panahon ng kampanya, kung saan nagsilbi umano siyang driver at katuwang nito sa iba’t ibang biyahe.
Dagdag pa niya, bukod sa puyat at pagod, nanganganib pa umano ang kaniyang buhay dahil sa tensyong dala ng halalan.
Sa huli, kinuwestiyon ni Concha kung bakit matapos ang lahat ng kaniyang sakripisyo, ganito pa raw ang makukuha niya.
"You asked me that I should stay with you up until the end of the midterm elections and after that would be the time that I could work."
"I listened to your request as your husband and so during the elections I have been your driver and support from here and there."
"I would drive straight for 9 long hours, driving even during dawn or night in order for us to be able to reach from Point A to Point B with your appointments, rallies, and campaign."
"There were even times that I was so sleepy but I had to drive according to schedule, you pretty know well how many cans of Redbull I had to drink to keep me awake."
"Imagine how far and long I’ve been driving with your brand new car that the mileage reached around 30,000 km in a span of 6 months. So imagine how far and how long I have been driving."
"I always drive very fast because there was also the risk of being ambushed during the elections because of what you were fighting."
"I risked my life from being a very private civilian to your cause and this is what I get?" aniya.
Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ng mga larawan si Concha hinggil sa natamo niyang pisikal na abuso, na bagama't walang pinangalanan, ay pinaniniwalaan ng mga netizen na ang misis na si Magno ang nasa likod nito.
KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Jam Magno, nagsiwalat ng naranasan umanong abuso
Bagay na pinalagan naman ni Magno at isinalaysay rin ang kaniyang panig.
Sa isa pang Facebook post, isinalaysay ni Concha ang naging puno't dulo raw ng kanilang away, nang mapag-usapan nila ang kasong kinahaharap ng misis, at ang pagpapa-DNA test ng anak nilang si Tony.
KAUGNAY NA BALITA: Jam Magno umano'y nagalit, sinaktan mister sa suhestyong ipa-DNA test ang anak?
Nagbigay rin ng payo si Magno sa hindi tinukoy na tao, na humanap na siya ng lawyers dahil kailangan nilang magharap sa korte para patunayan ang mga akusasyon sa kaniya.
Aniya, "I will no longer be addressing your drama and justifying it with a response. It is already enough that you have proven why it was the best decision for Tony and I to leave you. My lawyers have said that the best thing to do with you is to not give you any access to both Tony and I."
"Whatever it is that you are saying on social media, you must be ready to prove in court."
"I have said many times that the best avenue to address all of your concerns and mine as well is in the court," aniya.
Hinikayat din niya ang kausap, na sapantaha rin ng mga netizen ay tumutukoy sa mister niya, na huwag humingi ng simpatya sa bashers niya.
Aniya pa, makabubuti raw na humanap na siya ng mga abogado dahil gagawin niya ang lahat upang mailayo si Tony at ang sarili sa mga kagaya ng kaniyang taong tinutukoy.
"Find lawyers that would protect you because you're gonna need it. Because I'm gonna make sure that both Tony and I are protected from the likes of you."
"We wish you well, ingat!" pagwawakas niya.
Sa caption naman ng kaniyang post, mababasa: "Tony and I will focus on our peace and that we will continue to celebrate the best decision we have made and that it is to finally decide to leave you.
"You are free to paint yourself as a victim but I must remind you that gaining sympathy on Social Media isn't addmissible in court."
"I do hope you find a solid legal team to defend you. We wish you well."
KAUGNAY NA BALITA: Maghanap na raw ng lawyers: Jam Magno sa pasabog ng mister, 'Be ready to prove in court!'
Samantala, wala pang tugon si Magno sa mga bagong pasabog at pahayag ng kaniyang asawa sa social media.