Inalmahan ni Kapuso comedy star Pokwang ang tsikang ipinapakalat tungkol sa anak ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto sa asawa nitong si Pauleen Luna.
Sa Thread post ni Pokwang noong Lunes, Agosto 25, ibinahagi niya ang screenshot ng comment ng isang account na nakapangalan sa kaniya.
"[M]am Pauleen, kukunin na po namin yang anak namin ni bossing, halata naman po sa hitsura diba sa akin nag mana?" saad ng nagpanggap na Pokwang.
Komento naman ng nagpanggap na si Vic, " Ang corney mo mag joke pokwang! si willie lang yata natatawa sayo! di ka papasa sa eat bulaga ko!"
Kaya naman pinabulaanan ni Pokwang ang naturang screenshot at sinabing hindi raw niya tinatawag ng “ma’am” si Pauleen.
Aniya, “FAKE NEWS!!!! People in social media are too much, you have nothing to do, you will get karma for your behaviors!”
“I never called Poleng crazy Ma'am Pauleen! but worse are those who shared and judged immediately!” dugtong pa ni Pokwang.
Matatandaang ang anak lang ni Pokwang ay sina Mae at Malia.