December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Julius Babao, pinasalamatan mga tunay na kaibigan: ‘Alam ko na kung sino kayo’

Julius Babao, pinasalamatan mga tunay na kaibigan: ‘Alam ko na kung sino kayo’
Photo Courtesy: Julius Babao (IG)

Nagpaabot ng pasasalamat ang broadcast-journalist na si Julius Babao sa pagmamahal at pag-unawa ng mga tunay niyang kaibigan.

Sa isang Instagram post ni Julius nitong Lunes, Agosto 25, ibinahagi niya ang isang art card kalakip ang quote mula kay Walter Winchell, isang American columnist.

“A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out,” saad sa art card.

Sabi naman ni Julius sa caption ng post, “Maraming Salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Matatandaang naging sentro siya ng kontrobersiya matapos makaladkad ang pangalan niya sa isiniwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto patungkol sa mga journalist na tumanggap umano ng kaukulang bayad para kapanayamin sina Sarah at Curlee Discaya.

Bukod kay Julius, nadawit din ang pangalan ni Korina Sanchez sa nasabing isyu. Bagama’t walang binanggit na pangalan ang alkalde kung sino ang journalists na tinutukoy niya, kalakip naman sa Facebook post ang screengrab mula sa interview nina Julius at Korina sa mag-asawa.

Ngunit pinabulaanan ng dalawa ang akusasyong ikinakabit sa kanila ng publiko na nakatanggap umano sila ng bayad sa mga Discaya para maitampok sa kani-kanilang programa.

Maki-Balita: Programa ni Korina, pinabulaanang tumanggap ng ₱10M sa mga Discaya; Vico, pwedeng ma-cyber libel?

MAKI-BALITA: Julius Babao sa ₱10M na bayad ng mga Discaya: ‘Walang katotohanan!’

Samantala, matapos pag-usapan ang pasabog ni Sotto, nilinaw ng alkalde na hindi raw siya gumagawa ng isyu para magpasikat.

Aniya, "Sa topic na 'yan, with regard to media, or some media personalities, or shows, sa akin, kung ano ang kailangan kong sabihin sa topic na 'yan, nasabi ko na. Hindi naman ako gumagawa ng isyu para magpasikat, e." 

"But," pasubali ni Sotto, "I believe there are things that we need to talk about. Not only for media, but same for us in government."

Maki-Balita: Vico Sotto sa pagsita sa journalists: 'Di naman ako gumagawa ng isyu para magpasikat'