December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Atty. Kaufman, buo ang tiwalang papayagan ng ICC interim release ni FPRRD

Atty. Kaufman, buo ang tiwalang papayagan ng ICC interim release ni FPRRD
Photo courtesy: Alvin Dave Sarzate (YT), ICC

Nagbigay ng pahayag ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Attorney Nicholas Kaufman kaugnay sa hiling ng kanilang kampo para sa interim release ng dating pangulo sa International Criminal Court (ICC).

Nagkaroon ng panayam si Atty. Kaufman sa ilang media at Duterte supporters sa The Hague, Netherlands.

Sa inilabas na video sa YouTube ng vlogger at Duterte supporter na si Alvin Sarzate ngayong Martes, Agosto 26 tinanong niya ang abogado tungkol sa magiging desisyon ng ICC sa application nila ng interim release ni FPRRD.

“Attorney Kaufman, how confident are we that the ICC will grant our request for former president Rodrigo Roa Duterte his interim release before the confirmation of charges hearing?” pagtatanong ni Sarzate.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Dagdag pa niya, “[I]s there a high chance that this will be granted?”

Sinagot ito ni Atty. Kaufman na may tiwala siya sa kaniyang sarili na maipapasa ang nasabing interim release ngunit nasa korte na umano ng ICC kung ano ang magiging desisyon nila kaugnay rito.

“Personally speaking, I am always confident. I can only speak for myself. I can’t speak for the judges. We have the judicial process,” saad ni Kaufman.

Dagdag pa niya na ginawa na ng kampo nila ang lahat, “We’ve done the best we can. We argued [about] everything possible. We just hope that the judges will agree.”

Sa pamamagitan nito, inaasahan ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na payagang magkaroon siya ng pansamantalang paglaya sa loob ng isa o hanggang dalawang linggo habang nangyayari ang proseso ng pagharap niya sa kasong crimes against humanity sa hukuman ng ICC.

Mc Vincent Mirabuna/Balita