January 04, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Tradisyong sayaw na ‘Kuratsa,’ bakit kailangang paulanan ng pera?

ALAMIN: Tradisyong sayaw na ‘Kuratsa,’ bakit kailangang paulanan ng pera?
Photo courtesy: Philippine News Agency (FB), Pinas Culture (Website)

Inulan ng batikos ang kamakaila’y viral video ni Samar Governor Sharee Ann Tan sa kaniyang umano’y “lavish dinner” kasama ang ilang lokal opisyales.

Sa nasabing viral video, makikitang magiliw na nagsasayaw ang Gobernadora at ilang panauhin habang nagpapaulan ng pera sa gitna ng sayawan, na mariing binatikos ng netizens dahil sa umano’y pagpapakita ng luho sa kasagsagan ng mga pagbaha dahil sa pananalanta ng bagyo sa lalawigan.

Ayon sa opisyal na statement ng Gobernadora, taliwas sa ilang ulat, hindi isang “lavish dinner” o magarbong piging ang naganap na pagsasalo-salo ngunit isang community celebration.

“The footage was not taken during a ‘lavish dinner,’ nor was it connected to government programs or projects, it was taken during the Hermano Night of the Catbalogan City Fiesta, a community celebration where the Kuratsa dance was performed,” kaniyang paliwanag.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

Kasama rin sa kaniyang statement na ang nakitang sayaw sa pagtitipon ay isang cultural tradition sa Samar at Leyte na tinatawag na “Kuratsa” na sumisimbolo sa pagbubukas-palad at diwa ng pamayanan.

KAUGNAY NA BALITA: Samar Gov, nagpaliwanag sa pagpapaulan ng pera sa viral 'lavish dinner:' 'No way a display of luxury!'

Dahil dito, marami ang na-curious kung ano ang Kuratsa at ang kulturang pinagmulan nito.

Tulad ng binanggit ng Gobernadora, ang Kuratsa ay isang tradisyon sa Samar at Leyte na ginagawa sa iba’t ibang okasyon tulad ng kasal at kaarawan.

Bilang dagdag kaalaman, ang Kuratsa ay nagmula sa Spanish Fandango, isa ring tradisyunal na sayaw, na hinaluan ng tradisyong-bayan ng mga Waray noong ika-16 na siglo.

Ito ay kadalasang itinatanghal sa mga pistang pagtitipon tulad ng kaarawan at kasal bilang paraan ng sosyalisasyon at ligawan ng mga kabataang Waray, kung kaya’t kinilala rin ito bilang isang “courtship dance.”

Sa pagbabago ng panahon, ang Kuratsa ay nagkaroon din ng mga detalyadong paggalaw ng mga kamay, maindayog na galaw ng mga paa, at mapaglarong mga kilos na nagpapahatid ng mensahe at emosyon sa mga mananayaw.

Ngunit ang pinaka naging tatak ng Kuratsa ay ang pagpapaulan ng pera ng mga manonood sa pagtatapos ng sayaw, dahil ito’y pinaniniwalaan na simbolo ng kasaganaan at biyaya.

Sean Antonio/BALITA