Walang Pasok ang mga klase sa lahat ng antas sa public at private schools at mga tanggapan ng gobyerno sa iba't ibang lugar, Martes, Agosto 26, 2025, batay na rin sa anunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG), dahil sa inaasahang masungit na panahon.
Mababasa sa opisyal na Facebook page ng DILG ang tungkol sa suspensyon ng mga klase at governmet work.
"Mga Abangers,"
"Ayon sa PAGASA, hassle ang panahon bukas. 4 na araw kayong pahinga, dagdag pa ng isa."
#WalangPasok ang lahat ng antas sa public at private schools at mga tanggapan ng gobyerno sa mga sumusunod na lugar bukas, Agosto 26, 2025 (Tuesday):
1. Metro Manila
2. Aurora
3. Quezon
4. Rizal
5. Laguna
6. Camarines Norte
7. Camarines Sur
8. Albay
9. Sorsogon
10. Catanduanes
11. Masbate
12. Northern Samar
13. Eastern Samar
14. Leyte
15. Southern Leyte
Samantala, idinagdag naman sa listahan ang:
16. Bulacan
17. Nueva Ecija
18. Pampanga
19. Batangas
20. Cavite