December 15, 2025

Home BALITA National

PBBM, kinilala mga modernong bayani sa National Heroes Day

PBBM, kinilala mga modernong bayani sa National Heroes Day
Photo courtesy: RTVMalacanang (YT screenshot)

Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buhay ng mga Pilipinong hindi man nakalagda ang pangalan sa mga libro ng kasaysayan, ay nag-alay pa rin ng kanilang buhay at serbisyo para sa Pilipinas, sa talumpati niya para sa Araw ng mga Bayani nitong Lunes, Agosto 25.

Sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Department of National Defense (DND), ginanap ang paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), Fort Bonifacio, Taguig, na may temang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan.”

“Ang kabayanihan ay nananalaytay pa rin sa ugat ng bawat isa sa atin. Likas na sa Pilipino ang pagiging tapat, ang paglilingkod, at pakikipagkapwa,” saad ng pangulo.

“Nakikita natin ito sa ating mga magsasaka, mga mangingisda, mga guro, healthcare worker, ating mga manggagawa,” dagdag niya bilang pagkilala sa mga modernong bayani ng bansa.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Sa pagkilalang ito ng Pangulo, ipinakitang hindi lamang ang mga kilalang mukha at pangalan sa libro ng kasaysayan ang maituturing na bayani, kung hindi pati na rin ang mga ordinaryong indibidwal o grupo na nagsisilbi sa bansa sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon at serbisyo na nakatutulong hindi lamang sa kanilang pamilya kung hindi pati na rin sa mga komunidad at ekonomiya.

Sean Antonio/BALITA