January 04, 2026

Home BALITA National

Mensahe ni PBBM, pinatamaan mga taong inuuna 'sariling interes' sa bayan

Mensahe ni PBBM, pinatamaan mga taong inuuna 'sariling interes' sa bayan
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kaniyang mensahe para sa paggunita sa Araw ng mga Bayani ang mga umano’y tiwali sa lipunan. 

Sa kaniyang talumpati sa Libingan ng mga Bayani nitong Lunes, Agosto 25, 2025, iginiit ng Pangulo ang mga katiwaliang nanaig sa lipunan na dapat umanong labanan.

“May iilan pa rin sa atin ay mas pinipili ang sariling interes at kapakanan kaysa sa bayan at sa kapuwa Pilipino,” ani PBBM.

Dagdag pa niya, “Kasabay ng paglipas ng panahon, ay ang pagsibol ng mga bagong hamon na kailangan nating harapin.”

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Saad pa ni PBBM, hindi lang daw ang depensa ng bansa ang dapat pakatutukan pagdating sa usapin ng kalayaan nito.

“Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa ang kailangan nating tutukan upang maalagaan ang ating kalayaan—kailangan din nating labanan ang banta ng katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ating lipunan,” anang Pangulo.

Giit pa ni PBBM, may mas malaki umanong ninanakaw ang mga tiwala sa lipunan maliban sa usapin ng salapi.

“Dahl hindi lamang salapi ang kanilang ninanakaw, kundi pati ang kalusugan, pangarap at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon ng Pilipino. Kaya hindi dapat natin ipagwalang-bahala ang maliliit na panlilinlang sapagkat kung paulit-ulit na pinapalampas natin, unti-unti nitong sinisira ang ating lipunan ng hindi natin namamalayan,” anang Pangulo.