Kasabay ng mainit at makasaysayang pagkapanalo ng Filipina tennis player na si Alex Eala ang tila usap-usapang clip ng umano’y malutong daw na mura niya sa tennis court.
Mapapanood sa nagkalat na clip ng laban ni Alex sa US Open ang dikdikang rally sa iskor na 30-15 kung saan isang nagawang makalayo ng pinay tennis player 40-15 marker matapos niyang magpakawala ng isang soft hit.
Ngunit, sa kabila ng isang soft hit ang tila hard core na mura daw na mababasa sa galaw ng labi ni Eala matapos ang replay ng slow motion highlight.
“Put***ina” ito ang giit ng netizens sa pagkakabasa nila sa bibig ng makasaysayang pagkapanalo ni Eala.
Giit pa ng ilang netizens, bukod sa tennis at pagkapanalo ni Alex, literal na iwinagayway daw niya ang tatak Pinoy.
“The only P.I na nakaka-proud!”
“Kasing lutong ng winning streak!”
“Walang soft hit sa taong malutong magmura! HAHAHA”
“Nakakap***ng*nang pagkapanalo lez go!”
“Mapapamura ka naman talaga sa galing n’ya!”
“Natatanging mura na hindi nakaka-offend.”
Si Alex ang kauna-unahang Filipina tennis player na rumatsada ng grand slam win sa single match ng US Open.