May mensahe ang social media personality na si Jam Magno, na bagama't walang binanggit na pangalan, ay iniuugnay ng mga netizen para sa kaniyang asawang si Edgar Concha, Jr., matapos nitong ibalandra sa social media ang dokumento ng kaniyang medico legal, at ilang mga larawang nagpapakita ng mga sugat sa mukha.
Matatandaang noong Biyernes, Agosto 22, naglabas ng medical examination result si Concha bilang resibo sa mga natamo niyang multiple abrasion sa “left temporal area,” “soft tissue contusion,” “hematoma sa left sclera,” at nail scratch sa kaliwang braso.
“It’s funny how you immediately deleted all your recent posts against me after I gave a warning that I would expose you for who you really are,” saad ni Edgar.
Dagdag pa niya, “Well, remember this? Ako pala si Ed ang tinawag mo na bayot buang and abog. Sana masaya ka sa ginawa mo. ”
KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Jam Magno, nagsiwalat ng naranasan umanong abuso
Wala namang binanggit na pangalan si Edgar kung sino ang nasa likod ng naturang pang-aabuso, subalit ipinagpapalagay ng ilang netizens na ang misis na si Jam ang nasa likod nito.
Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Agosto 25, isinalaysay ni Concha ang mga naganap kung paano niya natamo ang mga sugat sa kaniyang mukha at ilang bahagi ng katawan.
Binanggit din ni Concha ang tungkol sa kasong kinahaharap ng kaniyang pinatutungkulan.
Ang kaso ay tungkol sa VAWC o Violence Against Women and Their Children Act na umano'y isinampa ng "legal wife" ng "ex-partner" nito.
Inaakusahan daw kasi ang kausap niya sa post na umano'y posibleng anak si Tony ng ex-partner nitong legally married. Kaya para matapos na raw sana ang kaso, nagbigay ng suggestion si Concha na magpa-DNA testing na lang sila.
Ang DNA testing (o DNA test) ay isang medikal na proseso ng pagsusuri para tukuyin ang genetic information ng isang tao. Ang Deoxyribonucleic Acid o DNA ay nagsisilbing "blueprint" ng katawan ng isang tao, na nagmumula naman sa mga magulang. Ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa mga gamit ng DNA testing ay "paternity o maternity test," para malaman kung ang isang lalaki o babae ay tunay na magulang ng isang bata.
Mababasa sa post ni Concha, "During the conversation sinabihan rin kita na I reviewed the details on the case, the grounds of the case was allegedly Tony's dad was your ex-partner who was married. So I suggested to you why can't we just do a DNA if you are really telling me the truth kasi if you are really confident then if ever we already have a negative result for the DNA then automatic the case would already be solved and we would be able to save a lot of time,money and effort for every hearing. Yong reaction mo after I suggested the DNA test you got mad."
Matapos umanong magalit ang kausap sa nabanggit na DNA test, dito na nagsimula ang umano'y pamimisikal sa kaniya ng kausap. Hindi raw gumanti si Concha, bagkus ay niyakap na lamang siya upang pakalmahin.
Pagkatapos, umano'y huminto sila sa isang police station dahil nais umano siyang ipa-detain ng kaniyang kausap, dahil sa paratang daw na umano'y gusto niyang patayin ito.
KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Jam Magno, pasabog backstory sa naranasang abuso: 'Just stop with your nonsense and propaganda!'
KAUGNAY NA BALITA: Jam Magno umano'y nagalit, sinaktan mister sa suhestyong ipa-DNA test ang anak?
Samantala, sa kaniyang TikTok video, ay tila may sagot si Jam sa naging umano'y pasabog na Facebook post ng kaniyang mister.
Aniya, "I will no longer be addressing your drama and justifying it with a response. It is already enough that you have proven why it was the best decision for Tony and I to leave you. My lawyers have said that the best thing to do with you is to not give you any access to both Tony and I."
"Whatever it is that you are saying on social media, you must be ready to prove in court."
"I have said many times that the best avenue to address all of your concerns and mine as well is in the court," aniya.
Hinikayat din niya ang kausap, na sapantaha rin ng mga netizen ay tumutukoy sa mister niya, na huwag humingi ng simpatya sa bashers niya.
Aniya pa, makabubuti raw na humanap na siya ng mga abogado dahil gagawin niya ang lahat upang mailayo si Tony at ang sarili sa mga kagaya ng kaniyang taong tinutukoy.
"Find lawyers that would protect you because you're gonna need it. Because I'm gonna make sure that both Tony and I are protected from the likes of you."
"We wish you well, ingat!" pagwawakas niya.
Sa caption naman ng kaniyang post, mababasa: "Tony and I will focus on our peace and that we will continue to celebrate the best decision we have made and that it is to finally decide to leave you.
"You are free to paint yourself as a victim but I must remind you that gaining sympathy on Social Media isn't addmissible in court."
"I do hope you find a solid legal team to defend you. We wish you well."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Concha tungkol dito.