Tuluyan nang ikinasa ng Senado ang subpoena para sa mga kontratistang hindi sumipot sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y anomalya sa flood control project.
Sa Setyembre 1, 2025 nakatakdang muling isalang ng komite ang kanilang imbestigasyon kung saan inaasahang makadalo ang 10 kontratista mula sa 15 mga kontraktor na pumaldo sa naturang proyekto.
Kabilang sa 10 kontratista sina:
Luisito Toqui- Presidente ng L.R. Tiqui Builders, Inc.
Cezerah Discaya- Presidente ng Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp.
Lawrence Lubiana- Presidente ng Centerways Construction and Development, Inc.
Edgar Acosta- Presidente ng Hi-Tone Construction & Development Corp.
Marjorie Samidan-Authorized Managing Officer, MG Samidan Construction
Roma Angeline Rimando- St. Timothy Construction Corp.
Romeo Miranda- AMO Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp.
Aderma Angelie Alcazar- CEO, Sunwest Inc.
Eumir Villanueva-Presidente ng Topnotch Catalyst Builders, Inc.
Mark Allan Arevalo, General Manager ng Wawao Builders
Matatandaang noong Agosto 19, nang isagawa ang unang pagdinig ng Senado sa isyu ng flood control project kung saan tahasang pinuna ni Sen. Erwin Tulfo ang hindi pagsipot ng nasabing 10 kontraktor.
“Hindi ho ‘yong may sakit, may nauna. E, para hong ginagago itong committee natin. May sakit, nagbakasyon na, may mga prior schedule.”
“Anong mas importante? Prior schedule or itong imbestigasyong ito? Because ₱544 billion ang pinag-uusapan natin. Not a small change,” dugtong pa ni Tulfo.
KAUGNAY NA BALITA: Talak ni Sen. Erwin Tulfo sa mga contractor na ‘di sumipot sa Senado: ‘Parang ginag*go ang committee!’