Pasabog ang Facebook post ni Edgar Concha, Jr., mister ng kilalang social media personality na si Jam Magno, hinggil sa "backstory" ng umano'y naranasan niyang pisikal na pang-aabuso.
Matatandaang noong Biyernes, Agosto 22, naglabas ng medical examination result si Concha bilang resibo sa mga natamo niyang multiple abrasion sa “left temporal area,” “soft tissue contusion,” “hematoma sa left sclera,” at nail scratch sa kaliwang braso.
“It’s funny how you immediately deleted all your recent posts against me after I gave a warning that I would expose you for who you really are,” saad ni Edgar sa kaniyang Facebook post.
Dagdag pa niya, “Well, remember this? Ako pala si Ed ang tinawag mo na bayot buang and abog. Sana masaya ka sa ginawa mo."
KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Jam Magno, nagsiwalat ng naranasan umanong abuso
Wala namang binanggit na pangalan si Edgar kung sino ang nasa likod ng naturang pang-aabuso, subalit ipinagpapalagay ng ilang netizens na ang misis na si Jam ang nasa likod nito.
Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Agosto 25, isinalaysay ni Concha ang mga umano'y naganap kung paano niya natamo ang mga sugat sa kaniyang mukha at ilang bahagi ng katawan.
Ang atake o estilo ng kaniyang post ay tila kinakausap niya ang taong nanakit sa kaniya, bagama't wala pa rin siyang binanggit na pangalan. Subalit, gumamit siya ng salitang "asawa" at "husband."
Kung pagbabatayan ang panibagong post ni Edgar, mukhang nag-ugat ang pagtatalo nila ng kausap sa umano'y mungkahi niyang ipa-DNA test ang anak na si Tony, na isa sa grounds daw ng kasong kinahaharap nito.
Sinimulan ni Concha ang pagkukuwento sa pagbanggit sa kasong kinahaharap ng kaniyang pinatutungkulan, na siyang tila kausap niya sa post.
Ang kaso ay tungkol sa VAWC o Violence Against Women and Their Children Act na umano'y isinampa ng "legal wife" ng "ex-partner" nito.
Sinamahan niya umano ang kausap sa lahat ng hearing mula simula hanggang matapos. Ang mga hearing ay ginanap sa Cagayan de Oro Regional Trial Court (RTC), kaya kailangan nilang maglakbay sa loob ng lima hanggang anim na oras mula Butuan.
Lagi raw silang umaalis isang araw bago ang hearing at nagbo-book ng tig-dalawang kuwarto para sa kanila at sa abogado.
"When I arrived in Butuan you had an ongoing case with your first viral mugshot for a VAWC case filed by the legal wife of your ex-partner. I accompanied you with all of your hearings for that case from start to finish. The hearings were done at CDO RTC and for every hearing, we had to travel for 5-6 hours from Butuan via Claveria, we always travel a day before every scheduled hearing date, we always book two rooms for both of us and your lawyer. This was really costly for us with the time spent, money spent, and effort we were doing for every hearing," aniya.
Sa pagpapatuloy, isinalaysay na ni Concha ang insidente noong gabing nakaranas na siya ng pisikal na pang-aabuso.
Aniya, nasa Tagbina sila ng kausap niya sa post, nakisali sa isang festivities at napainom kasama ang mga kaibigan. Umalis lamang daw siya sandali dahil sa tawag ng kalikasan. Pagbalik daw niya, nagsumbong daw ang tinutukoy sa post na siya ay hina-harass ng isang random na lalaki.
Sa pagkakataong ito, binanggit na ni Concha ang salitang "asawa." Dahil daw sa kaniyang protective instinct, sinabi raw niyang ituro nito kung sino ang sinasabi niyang nang-harass sa kaniya, para sana kausapin.
"As soon as I went back to you, you said 'Lovey naay random na lalaki na nag harrass sa akoa,' like for every boyfriend to their girlfriend we have our protective instincts and as a husband, I also have my protective instincts. Wala naman sigurong lalaki na hindi gusto mag defend sa kanyang asawa if yong asawa niya nag sumbong ng ganon," anang Concha, published as is.
"So my reaction to what you have said, I told you to point the guy who harrassed you, not because I would want to fight the guy or naghahanap ako ng gulo but I just needed to warn the guy na dapat she should respect you because you are my wife. Pero at that moment you didn't want to point the guy so what was the point of you telling me kung ayaw mo naman pala na i defend kita."
Napagdesisyunan daw nilang umalis na sa venue at bumalik sa hotel pagkatapos ng kanilang pagtatalo. Sa gitna ng pagmamaneho, nagsimula ng isang kumbersasyon si Concha sa kaniyang tinutukoy na kausap.
Ang paksa ng pag-uusap ay tungkol naman sa kinahaharap na kaso ng kausap. Sinabi umano ni Concha sa kausap na sabihin sa kaniya ang totoo tungkol sa kaso, dahil sa huli, bilang asawa, tanggap niya ito at handa raw siyang gawin ang lahat para protektahan lamang siya.
Inilarawan din ni Concha ang nangyayari sa kausap kapag humaharap na siya sa mga pagdinig sa loob ng korte, at kung ano ang ginagawa niya upang iparamdam niyang nasa tabi lamang siya nito.
"We decided to leave the venue to go home to our hotel right after that argument. We drove all the way from the venue to the hotel and while I was driving, I suddenly started a conversation with you, I told you to tell me the truth about the case, because at the end of the day as your husband tanggap kita and I am willing to do everything to protect you."
"I didn't want to know who is the biological dad of Tony for personal reasons rather it was because I want the case to be resolved as fast as possible kasi naaawa ako sa iyo whenever we are inside the court room during hearings, you would have anxiety attacks with the symptoms of shaking and alam mo naman na for everytime na you start to shake I always hold your hand to make you calm kasi I always want you to feel na I am always here for you. Kung iisipin at the end of the day walang magbabago kung malalaman kung totoo kasi pinakasalan na kita and tanggap kita."
PAGBANGGIT SA DNA TESTING
Dito ay nabanggit na umano ni Concha ang tungkol sa pagpapa-DNA test. Ang DNA testing (o DNA test) ay isang medikal na proseso ng pagsusuri para tukuyin ang genetic information ng isang tao. Ang Deoxyribonucleic Acid o DNA ay nagsisilbing "blueprint" ng katawan ng isang tao, na nagmumula naman sa mga magulang. Ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa mga gamit ng DNA testing ay "paternity o maternity test," para malaman kung ang isang lalaki o babae ay tunay na magulang ng isang bata.
Mababasa sa post ni Concha, as is published, "During the conversation sinabihan rin kita na I reviewed the details on the case, the grounds of the case was allegedly Tony's dad was your ex-partner who was married. So I suggested to you why can't we just do a DNA if you are really telling me the truth kasi if you are really confident then if ever we already have a negative result for the DNA then automatic the case would already be solved and we would be able to save a lot of time,money and effort for every hearing. Yong reaction mo after I suggested the DNA test you got mad."
Matapos umanong magalit ang kausap sa nabanggit na DNA test, dito na nagsimula ang umano'y pamimisikal sa kaniya ng kausap. Hindi raw gumanti si Concha, bagkus ay niyakap na lamang siya upang pakalmahin.
Pagkatapos, umano'y huminto sila sa isang police station dahil nais umano siyang ipa-detain ng kaniyang kausap.
"You punched me not once or twice but 4 times in my face. I didn't retaliate by punching you or choking you, what I did was I hugged you in order for you not to be able to punch me again and I was asking you to calm down but instead kasi di mo na ako masuntok you bit me at my back while I was hugging you."
"Then you were shouting 'tabang tabang patyon ko,' why the hell would I kill you? For what reason? I was asking you to calm down and not make a scene kasi nakikipag usap lang ako sayo. Pero you didn't stop and you still kept shouting. Then there were a couple of police who were doing their rounds at that area and so they went to us and I immediately went out of the car kasi pinapalabas ako ng police."
"Right after that, hinatid mo ako with the police sa police station then you left me there and gusto mo na ipa detain ako kasi sabi mo papatayin daw kita, but when you left, nag tatawanan yong mga police doon and di sila nanininiwala sa pinagsasabi mo, sabi pa nga nila 'di mi katuo sir na patyon nimo si ma'am ka maldita ana imong asawa. Ikaw pa gai ang nabungkag ang nawng niya siya kay wala ra.'"
Sinabi rin ni Concha na pinalabas pa raw siya mula sa tanggapan ng pulisya at nag-ikot-ikot na lamang sa paligid nito. Pinakain pa raw siya ng breakfast ng isang babaeng pulis doon, matapos siyang makilala bilang husband ng taong kausap niya sa post.
"Pinalabas nila ako sa office and I was just loitering around within the grounds of the police station, in fact pinakain pa nga ako ng breakfast ng mga police woman doon na nakapag identify sa akin that I am your husband. They wondered why I was there and I replied 'my wife wanted me to be detained kasi she said na i will kill her.'"
Payo umano sa kaniya ng hepe ng pulisya, "The chief of the police station suggested that I should get a medico legal to protect my self just incase babaliktarin mo yong kwento and sadly it is happening now."
Pagwawakas ng post ni Concha, "I hope this message reaches you : JUST STOP WITH YOUR NONSENSE AND PROPAGANDA."
KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Jam Magno, pasabog backstory sa naranasang abuso: 'Just stop with your nonsense and propaganda!'
UMANO'Y REAKSIYON NI JAM MAGNO
Samantala, sa kaniyang TikTok video, ay tila may sagot si Jam sa naging umano'y pasabog na Facebook post ng kaniyang mister.
Aniya, "I will no longer be addressing your drama and justifying it with a response. It is already enough that you have proven why it was the best decision for Tony and I to leave you. My lawyers have said that the best thing to do with you is to not give you any access to both Tony and I."
"Whatever it is that you are saying on social media, you must be ready to prove in court."
"I have said many times that the best avenue to address all of your concerns and mine as well is in the court," aniya.
Hinikayat din niya ang kausap, na sapantaha rin ng mga netizen ay tumutukoy sa mister niya, na huwag humingi ng simpatya sa bashers niya.
"Find lawyers that would protect you because you're gonna need it. Because I'm gonna make sure that both Tony and I are protected from the likes of you."
"We wish you well, ingat!" pagwawakas niya.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Concha tungkol dito.