January 05, 2026

Home BALITA National

HS Martin Romualdez, kinilala sakripisyo ng mga Pilipinong bayani

HS Martin Romualdez, kinilala sakripisyo ng mga Pilipinong bayani
Photo courtesy: House of Representatives of the Philippines (FB)

Nagbigay-parangal si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipinong humubog ng kasaysayan sa kaniyang mensahe para sa Araw ng mga Bayani nitong Lunes, Agosto 25.

Sa kaniyang Facebook post, kinilala ni Romualdez ang sakripisyo at katapangan ng mga prominenteng pigura sa kasaysayan maging ang mga pangalang hindi nailathala para sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

“Their courage remains a living reminder to those of us in public service that the highest duty is always to place country above self,” kaniyang saad sa motibasyon sa likod ng pagiging pampublikong opisyales.

Binanggit din ni Romualdez na ang kalayaan ay ipinaglaban at nakamtan sa dugo, pawis, at luha ng mga ninuno, kung kaya’t hindi raw ito dapat hayaang mapawi ng korapsyon at mga kawalang katarungan sa bansa.

National

Castro rumesbak kay Pulong: 'Kung nandito ka lang lagi, uma-attend ng sesyon, 'di ka maliligaw!'

“Each generation is called to be heroic in its own way. For us today, it means uniting to confront poverty, strengthening our democracy, and defending our sovereignty in the face of new challenges.”

“We owe it to them—and to the generations still to come—to build a Philippines worthy of their sacrifice,” saad ng representante sa pagtatapos ng kaniyang mensahe.

Sean Antonio/BALITA