December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

DFA, nakiisa sa pangangalampag ng 'ceasefire' ng Israel laban sa Gaza

DFA, nakiisa sa pangangalampag ng 'ceasefire' ng Israel laban sa Gaza
Photo courtesy: via DFA, AP News

Nakiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa panawagan ng Israel na magkasa ito ng ceasefire laban sa Gaza.

Sa press release na inilabas ng nasabing ahensya nitong Lunes, Agosto 25, 2025, binigyang-diin nila sa kanilang panawagan ang lumalalang humanitarian crisis sa Gaza.

“The Philippines joins the international community in its urgent call for an end to the ever-worsening humanitarian catastrophe in Gaza,” anang DFA.

Pinuna rin ng DFA ang plano umano ng Israel na i-take over ng kanilang mitlitar ang buong Gaza kasabay ng krisis ng nasabing bansa sa iba’t ibang humanitarian aid para sa mga residente nito.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

“The Philippines is deeply concerned by recent developments, including the Israeli government’s planned full military takeover of Gaza, the continuing restrictions on access to life-saving humanitarian aid such as food and water, large-scale displacement, attacks affecting civilians, and reports of settlement expansion in the West Bank,” anang ahensya.

Nanindigan din ang DFA na daan daw sa kapayapaan kung tuluyang magkakasa ng ceasefire ang Israel sa Gaza.

“The Philippines therefore strongly calls on Israel to heed the ceasefire proposal as a crucial step to protect civilians and revive the path to peace,” saad ng DFA.

Noong 2023 pa nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas na siyang namamahala Palestine. Magdadalawang taon na ang nakalipas, nagpapatuloy ang pag-aatake ng Israel sa mga teritoryong hawak ng Hamas na kumitil na ng tinatayang mahigit 62,000 katao ayon sa tala ng Palestinian Ministry of Health sa Gaza.