Isang bangkay ng security guard ang namataang palutang-lutang sa La Mesa Dam sa Quezon City noong Linggo, Agosto 24, 2025.
Ayon sa mga ulat, madaling-araw ng Linggo, Agosto 24, nang maispatan pang naka-duty ang biktima sa naturang dam bago siya tuluyang maiulat na nawawala.
Matapos ang ilang oras na paghahanap sa biktima, natagpuan ang kaniyang wala nang buhay na katawan na palutang-lutang na lamang sa likod ng guesthouse ng La Mesa Dam.
Bunsod nito, agad namang remesponde ang Quezon City Risk Reduction Management Office (QCRRMO) upang marekober ang katawan ng biktima.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung mayroon umanong foul play na nangyari sa pagkamatay ng nasabing security guard.