December 13, 2025

Home BALITA National

Solon, suportado US 'extradition' kay Quiboloy: 'Not a political issue!'

Solon, suportado US 'extradition' kay Quiboloy: 'Not a political issue!'
Photo courtesy: MB File photo

Suportado ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang nakaambang extradition kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy patungong United States (US).

Ayon kay Khonghun, wala raw dapat makatakas sa pananagutan hinggil sa mga kasong katulad ng kinasasangkutan ni Quiboloy.

“Trafficking is one of the most heinous crimes. It destroys lives and preys on the weakest among us. Walang sinuman ang dapat makatakas sa pananagutan, lalo na kung usapin ay pang-aabuso sa kababaihan at kabataan,” ani Khonghun.

Paglilinaw pa niya, hindi raw maituturing na isyung politikal ang nakaambang extradisyon kay Quinoloy.

National

‘Be sensitive!’ DOH, nagpaalala na isaalang-alang damdamin ng iba ngayong holiday season

“This is not a political issue. Hindi ito tungkol sa kung sino ang akusado. Kapag ang krimen ay kasing bigat ng trafficking, walang ligtas na teritoryo, at walang dapat protektahan,” anang mambabatas.

Saad pa ni Khonghun isa rin umanong “moral obligation” na mapanagot ang isang taong mapang-abuso.

“Extradition is more than a technical process—it is a moral obligation. Ipinapakita nito na handa ang bansa natin na papanagutin ang mga mapang-abuso.”

Dagdag pa niya, “Kapag kababaihan at kabataan ang biktima, hindi puwedeng may makaligtas dahil lang sa impluwensya o kapangyarihan.”

KAUGNAY NA BALITA: Planong pagsuko kay Quiboloy sa US, may legal na basehan — Hontiveros