Planado na ang magiging daloy ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa muli niyang pagsalang sa pagdinig sa International Criminal Court (ICC).
Sa Setyembre 23, 2025 inaasahang magsisimula ang confirmation of charges hearing ni Duterte sa ICC, kaugnay ng kasong kinahaharap niya na crimes against humanity bunsod ng kaniyang umano’y madugong kampanya kontra droga.
Sa ibinahaging dokumento ni Alvin and Tourism sa kanyang Facebook page noong Sabado, Agosto 23, mababasa ang isinumiteng plano ng kampo ni Duterte na pirmado ng kaniyang lead counsel na si Atty.Nicholas Kaufman.
Ayon sa naturang dokumento, kapuwa tatagal ng 30 minuto ang opening and closing statement ng kampo ng dating Pangulo.
Inilagay din ni Kaufman na tinatayang tatagal ng tatlo hanggang apat na oras ang presentasyon ng argumento ng kanilang kampo.
“In its oral presentation which will last 304 hours, the Defence will expand, inter alia, on a number of core legal issues which concern the modes of liability imputed to Mr. Duterte and the contextual requirements of crimes against humanity,” saad ng nasabing dokumentong inihanda umano ni Kaufman.
Maki-Balita: Higit 300, nagsumite ng aplikasyon sa ICC bilang 'drug war victims' laban kay FPRRD
Samantala, nanindigan naman si Kaufman na wala umanong ginawang krimen si Duterte sa kaniyang historical record habang nagsisilbing lider sa Pilipinas.
“For the sake of clarity and historical record, Mr. Duterte did not commit any criminal offence. Mr. Duterte served his city and country, faithfully and with pride, for many years,” Ani Kaufman.
Matatandaang noong Marso 11, nang tuluyang maaresto si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magbaba ng arrest warrant ang ICC sa tulong ng International Criminal Police Organization (Interpol).
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD