December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz, sang-ayon sa hanash ni Vico Sotto sa mga journalist

Ogie Diaz, sang-ayon sa hanash ni Vico Sotto sa mga journalist
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Vico Sotto (FB)

Naghayag ng reaksiyon ang showbiz columnist na si Ogie Diaz kaugnay sa isiniwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto patungkol sa mga journalist na tumanggap umano ng kaukulang bayad para kapanayamin sina Sarah at Curlee Discaya.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Agosto 23, sinang-ayunan ni Ogie ang hanash ng alkalde patungkol sa mga mamamahayag.

“Tama naman si Vico Sotto. Hindi ka lang dapat politiko para magkaroon ka ng integridad. Hindi ka lang dapat journalist o broadcaster para idikit sa ‘yo ‘yong integridad. Dapat lahat ng tao may integridad.

Siyempre, ‘yong tao, sasabihin, ‘Weh? Nasa’n ang integridad mo, Ogie?’ Eh ‘di wala. Gano’n lang ‘di ba. [...] Kung wala kaming integridad sa inyo, okay.”

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

Matatandaang nakaladkad ang pangalan nina Korina Sanchez at Julius Babao sa isyung ito dahil bagama’t walang binanggit na pangalan si Vico kung sino-sino ang journalists na tinutukoy niya, kalakip naman sa Facebook post ang screengrab mula sa interview nina Julius at Korina sa mag-asawang Discaya.

MAKI-BALITA: Vico Sotto, sinita mga journalist na umano'y tumatanggap ng bayad sa interview

Pinabulaanan naman ni Julius at ng kampo ni Korina ang paratang na iniuugnay sa kanila ng publiko.

Ayon kay Julius, “Walang katotohanang may 10 million na involved for this interview. Ang layunin ng vlog ay ma-inspire ang mga taong posibleng maging matagumpay kung magsisipag lang at didiskarte sa buhay.”

MAKI-BALITA: Julius Babao sa ₱10M na bayad ng mga Discaya: ‘Walang katotohanan!’

“There is no such thing as a P10 million placement for an interview. It is irresponsible to even say such, to say the least. As your malice is posted on Facebook and publicly besmirches the reputation of Ms. Sanchez, this clearly constitutes cyber libel,” saad naman ng “Rated Korina” at “Korina Interviews” sa isang pahayag.

Maki-Balita: Programa ni Korina, pinabulaanang tumanggap ng ₱10M sa mga Discaya; Vico, pwedeng ma-cyber libel?

Samantala, nagpaalala ang National Union of Journalists of the Philippines sa mga mamamahayag na  banta sa editorial independence.ang pagtanggap umano ng payola sa anomang anyo at paraan.

Maki-Balita: NUJP, nagpaalalang banta ang payola sa editorial independence