January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Magtiyuhin, parehong tumba matapos magtagaan

Magtiyuhin, parehong tumba matapos magtagaan
Photo courtesy: Pexels

Patay ang dalawang magtiyuhin matapos silang magtagaan sa Bais City, Negros Oriental noong Huwebes, Agosto 21, 2025.

Ayon sa mga ulat, sumugod sa bahay ng biktima ang suspek dala ang dalawang itak at saka nag-amok laban sa kaniyang pinsan.

Bunsod nito, napilitang lumabas ang biktimang tiyuhin ng suspek upang awatin siya ngunit hindi umano nagpaawat ang suspek. Agad niyang inundayan ng taga ang tiyuhin na agad na napruhan.

Sa kabila nito, nagawa pa raw niyang maagaw ang itak ng kanyang pamangkin at saka gumanti ng pananaga na agad na ikinamatay ng suspek.

Probinsya

Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara

Kinalaunan nasawi rin ang biktima dahil sa tinamo niyang sugat sa pananaga ng kaniyang pamangkin.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may sakit umano sa pag-iisip ang suspek na dati na ring kaalitan ng pamilya ng biktima.