Tila "nagkabalikan" ang dating mag-asawang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica matapos nilang magkita ulit, hindi bilang mag-partner, kundi bilang co-parents sa mga anak nilang sina Alas at Axl matapos nilang manood ng isang circus show.
Sa Instagram post ni Kylie noong Sabado, Agosto 13, pinasalamatan niya ang ex-husband na si Aljur dahil sa pagsama niya sa kanilang mag-iina.
Mukhang naging masaya naman ang pagkikita-kita nila, at paglalarawan pa nga ni Kylie, parang bumalik pa raw sila sa pagkabata ni Aljur matapos mapanood ang show.
"So much fun. Thank you @ajabrenica for coming with us," sey ni Kylie sa kaniyang post.
"Bumalik kami sa pagkabata! You guys were amazing!" papuri naman ng aktres sa organizers ng circus show.
At siyempre pa, tuwang-tuwa naman ang mga netizen dahil nakikita nilang mukhang naka-move on na talaga ang dating mag-asawa, lalo't pare-pareho na rin silang may kani-kaniyang tinatahak sa buhay.
"Buti naman ok na ok ang co-parenting niyo. Deserve ng mga bata na minsan present kayo pareho for them," hanash ng isa.
Reaksiyon naman ng isa, "Sana lagi kayong ganyan magkasundo at masaya lang para sa mga anak nyo."
"Complete family sobrang saya sana ganyan palagi" kuda naman ng isa pa.
Tila emosyunal na pahayag naman ng isa, "I’ve always wished to see moments like this — such a joyful and beautiful family. @kylienicolepadilla ,my heart is so happy for you."
Ikinasal ang couple noong 2018, at noong 2021, ay sumambulat naman sa publiko ang balita ng hiwalayan nila.
KAUGNAY NA BALITA: Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: 'I'm really, really happy now'
Nasangkot pa sa isyu ang noo'y Vivamax star na si AJ Raval, na matapos ang pagde-deny sa tunay na real score nila ni Aljur, ay lumantad na rin sa publiko na may relasyon sila.
Pero paglilinaw nina AJ at Kylie, hindi ang una ang dahilan ng hiwalayan ng huli at ni Aljur, dahil pumasok sa eksena si AJ, hiwalay na ang dalawa.
Samantala, tila nananatiling single pa rin sa kasalukuyan si Kylie kahit na nagkaroon ng bali-balitang nagkaroon siya ng non-showbiz boyfriend.
KAUGNAY NA BALITA: Gym coach o jowa? Kasamang lalaki ni Kylie sa shopping, sinisino ng netizens
KAUGNAY NA BALITA: Kylie Padilla, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend?
Ang latest naman, naibuking ng action star na si Jeric Raval na may dalawa na siyang apo sa anak at kay Aljur.
KAUGNAY NA BALITA: Jeric, 2 na ang apo kina AJ at Aljur!