Ibinunyag ng aktor na si Jericho Rosales ang mga dahilan kung bakit siya nagpahinga at matagal na hindi nagpakita sa telebisyon.
Sa panayam sa kaniya sa YouTube vlog na “Julius Babao UNPLUGGED” ng TV broadcaster na si Julius Babao kamakailan, sinagot niya kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya matapos ang ilang taon na pagpapahinga sa industriya.
“We were talking about it kanina. How do I even start? Mayroon akong “ganoon,” e, mayroon akong “ganoon,” na mawawala na lang ako bigla. My team knows this about me, it’s just I will reach a certain peak or a certain height and then mare-realize ko na may kulang, may mali, then I’ll stop,” ani Rosales.
“And then, okay, I’ll either switch to music. One time, nag-music ako, and then one time, I just wanted to be with myself. I’ll stop and then restart, and then go back again to a certain level, and then rest na naman,” dagdag pa niya.
Naisipan niya rin umanong tumigil sa television industry at aralin kung paano gumawa ng pelikula.
“So, pinaka-recent one of course the pandemic, but even before the pandemic, I said after 'Halik,' I’ll stop TV work muna. Like, really stop. Even if they offer me a contract, and then I’ll say no. And then ‘yon na, tinapos ko ‘yong project, tinapos ko ‘yong movie, and then nag-pandemic. Right before the pandemic, I started learning how to produce films properly,” aniya.
“As a creative producer, of course a producer also like behind the scenes, you know trying to learn how to raise money for projects and how to create business plans, and actually how to write the script, how to work with producers, how to work with directors, learn about the industry that I work in. ‘Yon ‘yong main decision ko was to go back sa pelikula kasi ‘yon ‘yong pinakamalaki kong kalaban ko dati na hindi ko pinagbibigyan ang sarili ko magpelikula kasi natatakot ako,” dagdag pa niya.
Natakot din umano ang aktor sa mga naging desisyon niya, na marami ang mawala at magbago.
“May mentality na ‘pag hindi ka na gumawa ng television [series], makakalimutan ka na ng mga tao. O baka kapag hindi ka na nag-teleserye, walang endorsements na darating, parang mga ganoon,” anang aktor.
“Kailangan palo ka nang palo, pukpok ka nang pukpok kasi hindi mo alam puwede mangyari bukas, mga gano’n. Actually normal naman ‘yon, e, and i just realized that I’ve just built differently. Kasi sanay ako sa hirap, e, so alam ko naman kung papaano maghirap. Alam ko ‘yon e, hindi na ako takot doon. But natatakot ako na hindi ko pagbibigyan ‘yong pangarap ko,” dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ng aktor kung paano niya nakuha ang role bilang ang dating Presidente na si Manuel L. Quezon sa pelikulang “Quezon.”
“Tumawag si Jerrold [Tarog] sa akin habang nagsho-shoot ako ng Lavender Fields. Nag-text siya actually. Sabi niya, “Can I give you a call regarding a project?” So ako, I know Jerrold, I auditioned for Heneral Luna 10 years ago, and I’ve always wanted to work with him again and TBA [Studios]… He told me that “would you wanna play Manuel Luis Quezon in the movie?” Lumaki ‘yong tainga ko, e,” aniya.
Ibinahagi niya ring nabuhayan siya ng dugo nang marinig iyon, ngunit sinabi niyang nakaplano na ang mga proyekto niya mula 2024 hanggang 2026. Pero napagdesisyunan niyang i-move lahat at unahin ang “Quezon” kapag natapos niya na ang kaniyang proyektong “Lavender Fields.”
Napag-alaman ding si Jericho Rosales ay “second choice” umano, at si TJ Trinidad ang original actor na gaganap, ngunit ito ay tumahak na ng ibang landas kung kaya’t siya ang nakakuha ng role.
Matatandaang lumabas noong Agosto 19 ang trailer ng pelikulang “Quezon,” na isinakto sa kaarawan ni dating Presidenteng Manuel Quezon.
KAUGNAY NA BALITA: Trailer ng Pelikulang 'Quezon,' inilabas ng TBA Studio sa kaarawan ni MLQ-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA