December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jeric, 2 na ang apo kina AJ at Aljur!

Jeric, 2 na ang apo kina AJ at Aljur!
Photo Courtesy: via MB, AJ Raval (IG)

Kinumpirma ng action star na si Jeric Raval na may dalawa na siyang apo sa anak niyang si AJ Raval sa partner nitong si Aljur Abrenica.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Linggo, Agosto 24, sinabi umano ni Jeric ang naturang balita sa panayam ng entertainment press sa kaniya noong Agosto 23 para sa victory party ng “Mamay: A Journey To Greatness” na idinaos sa isang restaurant sa Quezon City.

Matatandaang isang taon na rin ang nakalilipas, Agosto 2024, nang magsimulang uriratin si AJ kung may anak na nga ba sila ni Aljur.

Ito ay matapos lumutang ang isang video na makikitang kasama ng dalawa ang isang batang babaeng naka-facemask. Kalaunan pinabulaanan ni AJ ang naturang intriga sa isang panayam.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

“First of all, hindi po ako taon-taon buntis. Parang yearly na lang akong buntis," natatawang saad ni AJ.

MAKI-BALITA: Netizens, inurirat kung sino ang batang babaeng kasama nina Aljur at AJ

MAKI-BALITA: AJ sa love child daw nila ni Aljur: 'Parang yearly na lang ako buntis!'

Samantala, noong 2021 naman, inihayag ni AJ ang plano niya pagpapatapyas ng boobs dahil hindi na umano siya komportable rito.

MAKI-BALITA: AJ Raval, nagpa-enhance ng boobs; balak ipatapyas sa 2022

Kaya hindi na rin siguro bago ang rebelasyon ni Jeric tungkol sa pagkakakaroon niya ng apo 

Ngunit ang nakakagulat, dalawa na raw pala ang anak nina Aljur at AJ, batay sa umano’y rebelasyon ni Jeric. Isang lalaki at isang babae. Isang taon at dalawang buwan na raw ang edad ng una. Siyam na buwan naman umano ang huli.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Aljur at AJ para kumpirmahin o pabulalanan ang isiniwalat ni Jeric. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.